May mga bagay at pangyayari na’ di napipili
Minsan ‘di maintindihan kung makatarungan o hindi
Pag naganap na’y hindi na mababali
Kaya dapat matalino at hindi magkamaliKadalasan ang pagkakatao’y ‘di umaayon
Buhay ay binibigyan ng hirap at mga alon
Nais na lang malunod at huwag nang umahon
Pasya at hatol na rin ng pagkakataonGawin man ang lahat
Madalas ay hindi sapat
Pangarap na sinisipat
Kay layo pa rin ng agwatNahihirapan ma’y ‘di sumusuko
Nagpapakatatag at pilit tumatayo
Subalit nais ay ‘di malapitan at lalong lumalayo
Bakit ganito ang kapalaran laging kay laboKayod dito kayod doon
Panay ang gawa upang makaahon
Ngunit bakit walang natatapos at tila natatapon
Mga pinaghirapan sa buong maghaponMaraming pagkakataong ang nais ay sumuko na
Ngunit pinipiling magpatuloy at mamag-asa
Sa pag-aakalang may magagawa pa
Ngunit panaho’y nakapagdesisyon naPilit mang magsumikap at magpakatatag
Kapalaran ay ihuhulog ka pa rin sa bitag
Ano mang pagpupursigi ang ilatag
Pababayaan ka ng walang habag***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...