Maraming tao’y ako’y nilalayuan
Madalas kutyain at pagtawanan
Sa araw araw ako ay may katanungan
Ano ang aking nagawa upang ako ay pagtulungan?Mga matang nanlilisik
‘Di ko alam kung saan sisiksik
Upang makaiwas sa bagsik at balasik
Ng mga taong walang magawa kundi kasamaan ay ihasikNakatungo kung maglakad sa labas
Upang sa mapang husgang mata ay makaiwas
Ngunit sadya yatang kamalasan sa akin ay likas
Kahit anong kubli ay ‘di makakatakasKaganapang ito’y sumisira sa akin unti-unti
Bawat araw na dumadaan ay nadadagdagan ang hapdi
Sa palagay ko nama’y ako’y naging mabuti at ‘di nang-api
Subalit kapalaran at tao’y bakit ganito ang sa akin ay ganti?Dumating ang panahon at sarili’y ‘di na rin kayang tingnan
Nakumbinsi na sa opinion at panghuhusga ng karamihan
Sarili’y natutunang kasuklaman at kagalitan
Hiling sana hindi na lang ako naging ako at iba na lang ang katauhanPagmamahal at respeto sa sarili ay nawalang parang bula
Turing ng iba’y pinanindigan na at ginaya
Parang putik na tinatapaktapakan lang at binabalewala
Hanggang sa nakalimutan na ang tunay kong silbi at halaga***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...