Ginawa ang lahat upang tao sa paligid ay matuwa
Pilit na binabago ang sarili sa pakikisalamuha
Upang makaligtas sa mga matang mapanghusga
Labag man sa kalooban ay hinayaan naDumaan ang mga araw ay nadagdagan lang ng nadagdagan
Sinubukang baguhin ngunit ‘di na mapigilan
‘Di mawaring bigat ang idinudulot nito sa kalooban
Wala nang magawa kundi indahin na lang at iyakanSa tuwing matatapos ang araw ay pinagsisisihan
Paulit ulit lang at walang kasawaan
Pagtitiis kaya ay may hangganan?
Iyon sanang paraang ‘di masyadong masasaktan at mawawalanWala sa sarili at patuloy lang naglalakad
Pakiramdam sa pagkatao’y isa nang huwad
Kababago para lang makibagay at maging katulad
Ito pala ang magiging dahilan ng pagkasira at pagsadsadMinasdan ang sarili sa parihabang salamin
‘Di makilala kahit isang oras na tumingin
Saan napunta iyong dating nakikita dito sa salamin?
Tila naligaw na ng tuluyan at tinangay na ng hanginDumating ang araw at tila nagsawa na
Sa pagbabago sa sarili para maging katanggap-tanggap sa iba
Subalit ‘di na alam ang gagawin at kung saan mag-uumpisa
Tunay na sarili’y nawala at nakalimutan na*WAKAS*
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...