Sa loob ng tahanan
May isang lugar na pinagkukublihan
Mga ‘di kayang ipakitang nararamdaman
Dito inilalabas at binubuksanSa parteng ito’y walang makakakita
Kahit umiyak man at magwala
Malaking tulong kahit ‘di nagsasalita
Nakikinig pa ng walang sawaAno mang emosyon ang ibuhos
Sasabayan ka lang sa pag-agos
Hindi na kailangang sabihin at iutos
Dadamayan ka ng higit at lubosMinsa’y parang ito pa ang mas higit na nakakakilala
Sa sarili kong kumplikado at nakakairita
Kung ito lamang ay nakakakilos at nakapagsasalita
Marahil matagal na ako nitong nadagukan at sinipaSa loob nito’y nakararamdam ng siguridad
Tunay na kulay ng sarili’y kayang ilantad
Kalinga’y walang sawa at banayad
Tinutulungan ako ng walang bayadApat na dingding sa aking kwarto
Ang tanging nakakaalam ng aking sikreto at pagkatao
Walang panghuhusga at kung sumuporta ay todo
Sana ganito ang katangian ng lahat ng tao***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...