MULTO

86 25 13
                                    


Gabi gabi na lang ay umiiyak hanggang sa makatulog
Kinikimkim na nadarama’y para nang sasabog
Panay ang bugbog ng walang kaabog-abog
Paulit-ulit ma’y ‘di nasasanay sa pagkalamog

Mabigat ang mga mata sa pagdilat sa umaga
Kung maaari’y h’wag nang bumangon at buong araw na lang humilata
Sakit na dinaramdam na walang kahit na sino ang nakakakita
Dinudulot ay labis na pagod kahit walang ginagawa

Napapapikit at napapailing sa tuwing may maaalalang pagkakamali
Kapag pinigilan ang nadarama ay lalo lang sumisidhi
Mga gunita na luha lang ang hinahabi
Bawat patak sa pisngi’y labis na lungkot ang sinasanhi

Puso’t isip ay labis nang naguguluhan
Paano ba ito malulusutan at malalampasan
Tila wala nang pag-asa itong kinasasadlakan
Tatag at lakas ay wala nang mapaghugutan

Isip ay lubhang makapangyarihan
Kayang magpaikot at manakit ng ‘di ka hinahawakan
Ano nga ba ang pinakamabisang panglaban?
Sa mga multo na sa aking isip ay nananahan

*WAKAS*

Likhang Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon