Anong sakit itong aking nararamdaman?
Wala namang nakitang sugat noong sinuri ang katawan
Pagkilos at pag-iisip ng matuwid ay hinahadlangan
Bawat araw na dumaraan ay walang nagagawang makabuluhanPag-iyak ay pinipigilan
Sapagkat ang nasa isip ay walang katuturan
Wala namang galos at karamdaman
Ngunit bakit may iniindang hindi matukoy at malamanIsip at kalooba'y parehas nagdadabog
Pakiramdam ay sinasaktan at binubugbog
Sa gulo ay para nang sasabog
'Di man nakikita ngunit tiyak na may nalalamogKung titingnan ay hindi naman halata
Dinaramdam na sakit at pagkabahala
Subalit kung kikilalanin at bibigyan ng halaga
Sulirani'y mabilis na makikitaIlang beses ikinaila at binalewala
Itong pinanggagalingan ng sakit na 'di nakikita
Habang tumatagal pala'y lumalalim at sumasama
Hanggang sa wala nang makapitan at tuluyan nang lumalaUnti-unti'y sinisira ka pala mula sa ilalim
Mga kalamna'y parang tinatarakan ng patalim
Dugo at pagkadurog ay wala sa ibabaw kundi nasa ilalim
Sino bang nag-imbento ng ganitong klase ng lagim?Puso't utak ay pawang hinahampas
Ng mga emosyong ibinabato ng walang habas
Sa panlabas masasabing maganda at walang kupas
Ngunit sa kaibuturan na pala'y kulay ubas***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...