Minsan ang tadhana'y sadyang mapag-biro
Maraming oras gagawin kang tuliro
Sa mga problemang walang hinto
Kadalasan ay nais mo na lang sumukoAng pagdating ay hindi inaasahan
Kung kailan nag-papakatino ka na't lahat ay pinagsisikapan
Saka naman suliranin ay walang pakundangan
Sinugod ka ng walang kalaban labanGinugol na oras ay nasayang
Idagdag pa itong panahong nanghinayang
'Di makagalaw dahil iniisip na walang puwang
Sa mundong lumamon sa akin na parang aswangSa halip na araw ay lumiwanag sa pag-asa
Bakit tila ito'y mas dumidilim pa
Tuloy bawat araw na dumaraan
Narito't ayaw ko nang masilayanMula nang problema sa aki'y lumagak
Araw-araw ay parang isang patimpalak
Ng mga taong kay lakas kung humalakhak
Dahil sa buhay kong tuluyan nang pumalpakLiwanag ay hindi na nararamdaman
Namanhid na sa tinatahak na kadiliman
Saya ay nakalimutan na ng lubusan
Dahil buhay ay puro bahid na ng kalungkutanAng isip at puso ko'y binabalot na ng dilim
Mga ideya at interpretasyon ko'y puno na ng lagim
Kailan kaya muling makakatikim
Kahit sa ngayon muna'y kulimlim
***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoezjaKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...