Mga alaala ng kahapo’y kay hirap alisin sa isipan
Lalo na kung ito ay masakit at ‘di kagandahan
Damdamin ay patuloy na sinasaktan
Sa tuwing gugunitain ang mapait na nakaraanSa mga oras na sa isipa’y sumasagi
Anong kirot at hapdi ang sinasanhi
Mga luhang pumapatak sa mga pisngi
Hindi mapigilan kahit na sandaliMga alaalang sa puso’y kumukurot at nagdudulot ng dalamhati
Anong nararapat gawin upang sa isipa’y maiwaksi?
O kung hindi man, kahit para lang maisantabi
Upang kahit minsa’y maitawid ng ‘di tumatangis ang mga gabiMagaan at maaliwalas na pakiramdam ay nais din maranasan
Kumilos at gumalaw ng walang pag-aalinlangan
Sana’y magkaroon ng pagkakataong makalimot sa masalimuot na pinagdadaanan
Kahit hindi madalas o isang beses lang sa isang b’wanMabuti pa ang lapis may pambura
Magkamali ma’y mabilis lang mawawala
Sana sa buhay ng tao’y uso rin ang pagbura
Sa mga alaala at nakaraan na sa pagkatao ko’y sumisira***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...