EMOSYON

824 41 14
                                    

Nadarama'y mabilis magpalit
Masaya, malungkot at minsa'y galit
Kay raming pagpipilia'y bakit pilit na iginigiit
Iyong masama at kung titingnan ay pangit

Puso'y hindi kayang turuan
Piliti'y tiyak na kaiinisan
Walang magawa kundi pagbigyan
Kasuklam-suklam ma'y kinakailangan

Kalungkutan ay pangkaraniwan
Kahit anong gawin ayaw mapalitan
Isip pa'y sumasabay at nakikipagsigawan
Lahat ng sinasabi'y puro naman kabalbalan

Ayos sana kung puso lang ang iniintindi
Hindi man madali ngunit kayang maikubli
Subalit pag ang isip na ay sumali
Tiyak wasak at 'di na mapapakali

May mga oras na nais nang i-untog ang ulo
Upang isip ay huminto at mahilo
Ngunit tumigil at matahimik man ito
Aarangkada naman ang pabidang puso

Pagtatalo sa sarili'y 'di na natapos
Pakiramdam ay mahigpit na nakagapos
Hinihintay na lamang kung kailan magtatapos
Nadarama ng kaloobang nag-hihikaos

Kadalasa'y mapapaluha na lamang
Sa emosyong walang respeto at galang
Ito'y walang pinipiling oras at gulang
Maging handa na lamang sa panahon ng pag-gulantang

***WAKAS***

Likhang Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon