Labis na tuwa ang iyong inihahatid
Araw-araw ko ay gumagaan at naitatawid
Presensya mo’y parang isang lubid
Inililigtas ako sa buhay na salasalabidTuwing ika’y pinagmamasdan
Ang nasa isip ay nakakalimutan
Lambing mo’y walang kapaguran
Walang hinihinging kabayaranBawat nadarama ko’y ramdam mo rin
Kapag batid na nahihirapa’y lumalapit ng matulin
Walang ibang gagawin kundi ako’y kulitin
Hanggang sa ngumiti at ’di na maging bugnutinTahanan ay puno ng kulay
Bawat araw ay laging maingay
Tunay na nakakapawi ng lumbay
Ang pagmamahal mong walang kapantayIsang araw tahana’y tumahimik
Pakiramdam ay kulang at nasasabik
Bawat isa ay walang imik
At sa balikat ay bigla na lang may tumapikLuha’y agad na umagos sa pisngi
Nang makita kang nakaratay at hindi bumabati
I-aasal ay ‘di na mawari
Parang sasabog dahil sa pighatiHabang pinagmamasdan ang nakaratay na katawan sa higaan
Mga alaala’y sa isip nagsibalikan
Mga sandaling masaya at nagtatawanan
Napalitan ng kalungkutang walang hangganPagsalubong mo’y habang buhay na pananabikan
Paglalambing mong ‘di matatawaran
Sa isip ay mananatili at ‘di kakalimutan
Pagsasama nating maikli man ngunit may kauturanPagmamahal mo ma’y ‘di natapatan
Ngunit minahal kita sa alam kong paraan
Kaya ngayo’y labis na nasasaktan
Sa iyong ‘di inaasahang paglisanMag-alaga man muli at magkaroon ng bago
‘Di ka mapapalitan sa aking puso
Sana’y muli tayong magtagpo
Sa pagsapit ng takdang oras ko***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...