Sa tuwing ikaw ay darating
Bakit ang nais ng kalooban ko'y dumaing?
Kapag sa bintana'y pinagmamasdan ka ay may hiling
Sana'y tumila ka na upang tumigil din ang halinghingKung sa iba'y pag-idlip at mainit na sabaw ang nasa isipan
Sa akin nama'y mga suliranin at hirap na kailangang pagdaanan
Ano ba itong ipinapasok mo sa aking mga kaisipan?
Imbes na matulog at kumain na lang di'y narito't sa utak ay nakikipagtalakanSa paligid ang dulot mo'y katahimikan
Tanging ang maririnig ay ang pagpatak sa lupa at bubungan
Bakit ang naiisip ko'y kalungkutan lang ang iyong tangan?
Ito nga lang ba ang iyong lulan?Sa pagbugso ng iyong lakas
Tumitindi rin ang mga ideyang sa isip ko'y bumubutas
Pakiramdam ay ginagamitan ng dahas
Ngunit mag-isa lang naman ako't tanging utak ang umaahasHiling sana'y katulad na lang ako ng iba
Nahihimbing at nananaginip na
Para utak ko'y 'di na makieksena
Sa mga araw kong sawi na nga dudurugin paSana'y may makapagpaliwanag kung bakit ang iyong dalang kulimlim
Sa iba'y nagdudulot ng labis na lungkot at lagim
Bakit sakit at pait lang ang ipinatitikim?
Sa mga pusong dati nang may kinikimkimUlan, sana'y sa susunod iba naman ang iyong iparamdam
Puro na lang sakit at lungkot ang sa pagbuhos mo ay pinagdadaanan
Kung pagbibigyan mo ang inaasam ay hindi ko alam
Ngunit maghihintay pa rin sa pagkakataong ako'y iyong pansinin at pakinggan
***WAKAS***
![](https://img.wattpad.com/cover/158961071-288-k19591.jpg)
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...