Sa hating gabi biglang naalimpungatan
‘Di mawari kung ano itong nauulinigan
Matindi man ang antok ay nawala na sa kasarapan
Ano ba itong ingay at pamamahinga’y ‘di hinayaanDumaan ang minuto at oras
Pagtatalo’y ‘di pa rin nalulutas
Bawat panig ay walang umaatras
Sa ingay ay parang sinturon ni HudasUnan sa mukha at tenga’y itinakip
Subalit itong tinig pilit pa ring sumisilip
Ang nadaramang pagod ay pawang sinisipsip
Mahimbing na dapat ang tulog ngunit narito’t gising sa halipTahimik pala ang paligid ngunit ano itong nariring?
Payapang sandali’y pilit na niyayanig
Hindi mawari ang tunay na ibig
Inuusal nitong ‘di nakikitang tinigBakit hindi nagsasawang mangulit?
Mga sinasabi nama’y paulit-ulit
Oras na ay nagigipit
Mukhang ‘di na makakatulog kahit saglitMga ipanaririnig ay puro negatibo
Dapat na ginawa’y pilit iminumudmod sa ulo
Pakiramdam tuloy lalong nalilito
Magulo na’y lalo pang ginuguloMaaari bang tumigil na sa pag-sigaw?
Masakit sa tenga at nakakarindi ang alingawngaw
Sumikat na lamang ang haring araw
Narito at sa pahinga’y uhaw na uhaw***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...