Bawat isa ay may tinatakbuhan
Sa tuwing lungkot o galit ay nararanasan
Nakakatulong paminsan-minsan
Kadalasan ay hindi kung mabigat ang pinagdaraananSana lahat ng tao ay may nasasandalan
Ano mang oras ito kinakailangan
Subalit sadyang malupit ang mundong ginagalawan
Tulong ay ipagkakait lalo na sa oras ng kagipitanKapag sulirani’y sumapit at walang mapuntahan
Utak at puso’y lubhang naguguluhan
Saan nga ba matatagpuan?
Taong maaaring dumamay kahit na ito’y panandalianSa sobrang pag-iisip ulo ay sumasakit
Sarili’y saan nga ba maaaring isingit?
Kung ang paligid ay tila nakapikit
Sa pinag-daraanang walang mas hihigitSubalit diwa’y hindi papayag
Malugmok sa sitwasyong kahabag-habag
Pilit na mag-iisip hanggang sa may mabanaag
Maiahon lamang ang sarili sa isang malaking bitagHindi man nahanap sa isang may bibig
Natagpuan naman sa may himig
Hindi man ganap na kakilala ang may tinig
Ibinibigay naman ang nais na marinigMusika ay natuklasan
Ito na ang naging takbuhan
Problema’y hindi man literal na nasosolusyonan
Sa kaunting oras ng pakikinig sulirani’y sanadaling nakakalimutan***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...