Labis na kalungkutan ang ngayo’y nararamdaman
Paano’y isang malapit na kaibigan ang tuluyan nang lilisan
Nakatutuwa’t siya’y lalaya na sa aming mundong kinakukulungan
Ngunit nakalulungkot din dahil kami’y kanya nang iiwanMga pangarap na magkakasama naming binuo’y tuluyan nang nawasak
Kahit na pilit pang inaabot ay laging pababang hinahatak
Sa halip na matulunga’y patuloy lang ang pagyurak
Tila pinabayaan ng pagkakataon at kami’y winarakMahigit limang taong pagsasamahan
Sa isang iglap, pinutol at winaksan
Nadarama’y lalong naging magulo at ‘di na maintindihan
Naluluha sa tuwing gugunitain ang nakaraanSarili’y pinipilit na tanggapin na lang at maging masaya
Para sa kaibigang pinili ang pinakamasakit na pasya
Kahit na labis na kalungkutan ang dulot ay kailangang ngumiti at tumawa
Upang maramdaman niya ang taos pusong pagsuportaIniisip pa lamang na ‘di na makakasalamuha tulad ng dati
Luha’y mabilis na nagingilid ng walang pasabi
Napakahaba na’y lalo pang humaba ang mga gabi
Bigla na lamang bumibilis ang tibok ng puso’t ‘di mapakaliMarahil ay ito na nga ang nararapat
Mahirap man at matagal ay matatanggap rin ito ng maluwat
Pinaglayo man tayo ng pagkakataon sa ngayon
Nasisiguro kong muli tayong magtatagpo sa takdang panahon*WAKAS*
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...