Chapter: 15

3.7K 108 7
                                    

AGKTT15


Kahit labag na labag sa kalooban ko, napilitan pa rin akong sumakay sa kotse ni Broom matapos magwalk-out ni Ardleigh. I was silent the whole ride. Nakasarado rin ang mga kamao ko dahil sa sobrang panggigigil na baka masigawan ko lang siya.

Just... damn it. Hindi ko alam kung paano pa makakalabas sa tang inang sitwasyon na 'to.

Obvious naman siguro, diba? Hindi ko gusto ang mga nangyayari. Lalo na sa amin ng best friend ko.

Pards... kung pwede ko lang sabihin sa'yo ang lahat. Sana kanina ko pa ginawa.

Sana intindihin mo na lang muna ako.

"I want to meet your family, Maevis," halos masuka ako nang biglaang magsalita ang damuho rito sa tabi ko.

"Sure. Kung gusto mo na harapin kamatayan mo right at this moment, why not?"

Napangisi siya sa tinuran ko.

"I know your brothers, cutiepie. And what do you think of me? Coward? Matatakot sa kanila?"

Tang ina. Konting-konti na lang talaga at lilipad na 'tong kamao ko sa pisngi n'yang hanggang ngayon e may band aid pa rin. Ang angas, e. Kala mo kung sino.

Urong naman ang mga bayag.

Hindi na lang ako umimik. What for? Baka 'di na ako makapagtimpi at ako na mismo ang tatapos sa buhay ng gagong 'to. Grabe. Stress na stress na ako nang dahil sa lahat ng katarantaduhang ginawa n'ya sa akin.

Ayoko na. Tama na.

Gusto ko lang magpahinga.

Pagkarating sa bahay namin, wala na akong hinintay na kahit ano pang salita mula sa kanya. I hurriedly slid myself out of his car. Pero halos manginig ang lahat ng kalamnan ko nang makita ang nakapameywang kong ina na taimtim na nag-aabang sa akin sa labas ng gate namin.

Fuck...

Pwede bang magpalamon na lang sa lupa ngayon?

"Sino 'yang kasama mo, Chlorophyll?" malumanay ngunit nagngingitngit na tanong ng Nanay ko. Sa litanya n'yang iyon, nakumpira kong nakasunod nga sa likod ko si Broom.

I was about to answer, but the fucker cut me off. "Magandang gabi po, Madam. Ako po si Broom, boyfriend po ni Maevis." walang patid na tugon n'ya.

Nagpantig ang mga tenga ko.

What the fuck? Did he really say that?

Without even asking for my approval?!

"Ano'ng sabi mo? Boyfriend?" that's it. As if it was on script, isa-isa nang nagsilabasan ang mga Kuya ko mula sa loob. Nangunguna na ron ang panganay namin na si brother Oxygen. Diretso ang tingin n'ya sa gagong nasa likuran ko.

"Yes," walang bahid nang pag-aalinlangang sagot ni kumag.

Tang ina, nababaliw na talaga siya!

"Explain, Roro," I heard brother Carbon's intimidating voice.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, gusto umurong ng klitoris ko sa loob. Shit!

"A-Ano... b-bro... ka-kasi..." fuck. I couldn't even stop myself from stuttering! Like putang ina naman! Paano ko ipapaliwanag ang sarili ko sa kanila, diba?!

By revealing the truth? God knows how I wanted to do it. And in the first place, iyon naman talaga ang gustong-gusto kong gawin ngayon. Pero hindi, e.

Hindi pwede.

"Nanligaw ba sa'yo 'tong gagong 'to, Chlorophyll?" si brother Deuterium iyon. I want to say something. But I just couldn't express myself properly because of the tension that's kept on creeping me out.

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon