Chapter: 30

3K 106 12
                                    

AGKTT30


"You should have let me handle the situation, Maevis," panibagong buntong hininga ang narinig ko mula kay Ardleigh matapos niyang iliko ang manibela papunta sa street namin.

Kanina pa siya ganyan kaya sobrang nababanas talaga ako. Pagkatapos kasi ng suntukan, doon pa lang siya dumating kasama sina Charl, Rad, at Callix. Gusto niyang sugurin si Pinochle pero ano pa bang sense non?

Nangyari na, e.

O baka hindi lang niya matanggap na wala siyang nagawa bilang boyfriend ko?

"Kahit pilayan mo pa 'yong gagong 'yon, wala ka na rin namang magagawa," sagot ko naman. "Tinulungan naman ako ni Broom, 'wag kang mag-alala."

Kumunot 'yong noo niya. I bet, he already noticed my sarcasm. "Why does it sounds like you're mad at me? I didn't even know you've met with that bastard!"

"Ay, hindi," sarkastiko ko namang sagot, mas nabanas dahil sinabayan niya pa iyong init ng ulo ko. "Hindi ako galit. Hindi ako galit nang dahil lang sa hindi mo sinagot ni isa sa mga tawag ko, o wala ka noong kailangan kita, o dahil ibang tao ang nagtanggol sa akin imbes na 'yong boyfriend ko!"

Sinadya kong bigyan ng diin ang bawat salita ko nang matauhan naman siya. I know it's not his fault that he wasn't there... but fuck him.

Mali bang mag-expect dahil boyfriend ko naman siya?

"If I had known it earlier, do you really think I will let that bastard touch you?!" bumilis ang pagpapatakbo niya, sign na frustrated na rin siya kagaya ko. "I'm trying to explain my side, but you don't even accept it!"

Tang ina, sandali.

Bakit siya pa 'tong galit e siya 'tong may pagkukulang sa aming dalawa?

"Ano bang ginagawa ko ngayon? Diba nakikinig ako kahit na paulit-ulit lang naman mga sinasabi mo?" I let my eyes rolled, never giving a fuck if he would see it.

Edi mag-away na kung mag-away!

"For pete's sake, Mae! Our coach confiscated our phones! Kung alam mo lang kanina pa kita gustong hanapin at puntahan!"

"Pero hindi mo ginawa!" I equalled his anger. "Malay ko ba kung lumandi ka lang talaga doon habang ako nababastos na nang hindi mo alam?!"

And that made him pinch the bridge of his nose. Hinampas niya iyong manibela pero hindi ako nagpatinag. Tang ina niya.

"Fuck. Ano'ng lumandi?! Ano bang pumapasok diyan sa isip mo, Mae! Kahit tanungin mo pa sina Callix, uminom lang kami! Ayun lang 'yon!"

I don't know if it's because I was already driven by emotions that I didn't buy his excuse. For sure, may mga babae roon na umaaligid sa kanya. Puta kasing mukha niyang 'yan!

"Oh, edi uminom! Congrats dahil nakainom ka pa pala sa lagay na 'yan habang ako, binabastos-bastos na, gago!" I couldn't control myself. I was breathing heavily while he was busy composing himself.

Kuyom ang panga niya at halatang hindi maintindihan kung saan ako nanggagaling.

"This is bullshit," he hissed after a moment of bloody silence.

"Oh, right. You're full of bullshit,"

And the silence won again after that.

Pinako ko na lang ang mga mata ko sa labas. Ayoko siyang makita. Parang naiiyak ako sa inis sa t'wing nakikita ko ang pasimple niyang pagbubuntong hininga. Na parang disappointed na naman siya sa akin.

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon