AGKTT27
"Towel, hydro flask, extra shirt, snacks... tang ina, ano pa ba?" halos pumutok na mga brain cells ko sa kaiisip kung ano pa ba iyong mga kailangan kong dalhin na gamit.
Sa totoo lang, kanina pa talaga ako nasstress. Hindi kasi pwedeng may makalimutan ako dahil medyo malayo-layo iyong lugar na pupuntahan namin.
Today is the exact day para sa basketball tournament ng aming team laban sa kabilang Academy. Gaganapin iyon sa isang sikat na arena sa Makati. As you see, wala kaming klase. Dinisisyonan 'yon ng kalbo naming Principal para raw makapagbigay suporta kami sa aming mga manlalaro.
And as you see, again, I am currently preparing for Ardleigh's things. Bwisit kasi ang gagong 'yun. Masyadong fineeling ang pagiging jowa ko. Ewan ko nga ba at hindi ako makatanggi. Lalo na sa part na gusto niyang suotin ko 'yong letterman jacket niya sa kasagsagan ng game.
Malakas tuloy ang kutob ko na marami na namang mga higad ang pagchichismisan ako.
But who cares, anyway. I'll do it regardless of their opinion... because that's what my boyfriend wants.
"Bro, nasa baba na si Ardleigh,"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla-bigla e makita ko sa reflection ng salamin ang mukha ng isa sa mga kapatid kong may sira sa ulo. "Tang ina brother Carbon, uso kumatok ah!" singhal ko sa kanya atsaka agad siyang sinamaan ng tingin nang makabawi na sa pagkakagulat.
"OA mo," bored niya lang akong tinitigan. "Ba't ba 'di mo maiwan-iwan 'yang salamin mo? Nagpapaganda? Nagpapaganda?"
Inirapan ko nga.
"Kulang ka talaga sa aruga, bwisit,"
He raised a brow as he looked at me suspiciously, "Nagdadalaga na ba ang bunso namin?"
"Ano bang pinagsasabi mo..." I grunted annoyingly and crossed my arms above my chest. Ayoko magpa-obvious no. Neknek n'ya.
"Crush mo si pareng Ardleigh, no?"
Umakto ako na parang gusto kong paliparin 'yong kamao ko sa pagmumukha niyang balita ko ay marami nang napaiyak. "Nasisiraan ka na ba ng bait?"
But his smirk only grew wider because of my denial.
"Ba't 'di mo masagot? Ayieeee!" tukso niya kaya mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko para habulin siya.
I threw him a punch but he quickly avoided it. Tang ina galing umilag ng gago!
"Hoy Carbon Dioxide bumalik ka ritooooo!" sigaw ko nang tumakbo siya papalabas ng kwarto ko habang humahalagapak sa tawa.
Ampota naisahan na naman ako.
Kahit gusto ko pang gumanti, nang tignan ko ang suot na relo ay saka ko natantong oras na pala. 'Di bale, kapag nagdala iyon ng girlfriend dito sa bahay, doon na lang ako gaganti. Sisiguraduhin kong matuturn off 'yung babae kapag sinabi kong ginagawa niya lang teleserye ang panonood ng porn! Akala niya, ah!
Anyway. Kinuha ko na ang mga gamit na dadalhin ko tapos ay sumunod na sa baba. Pero wala pa man ako sa kalahati ng hagdan, hindi na nakatakas sa mga mata ko ang agarang pagtayo ni Ardleigh mula sa isang sofa namin sa sala para salubungin ako.
Puta naman.
How can he be so freaking hot despite the fact that he's only in his white shirt and black jersey shorts?!
Napatingin tuloy ako sa suot ko. I'm also on my white oversized shirt, black leg pants, and white Converse All Star Platform Canvas sneakers. Kung titignan mo, parang pinag-usapan talaga namin ang isusuot kasi ternong-terno.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Novela JuvenilMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.