Chapter: 29

2.7K 98 16
                                    

AGKTT29


There's a dread forming in my stomach as I stared at him. Iyong konsensiyang ilang linggo ko nang dinadala ay unti-unti na ring kinakain ang buong sistema ko.

Tang ina.

Patay? Patay na si Dexie?

Bakit? Paano? Kailan?

"Broom—" I was about to fire him questions but he only turned his back to me. Kumuyom ang panga ko sa inasta niya.

"You shouldn't care, Maevis. Don't. That's already out of your business," he says coldly while shaking his head. "Tapos na ang deal natin. Wala na akong dapat ipaliwanag pa sa'yo. At... hindi ba iyon naman talaga ang gusto mo?"

Kitang-kita ko ang pagdausdos ng mga kamay niya sa baywang ng kasamang babae at umamba nang magmartsa paalis.

Pero hindi. Ako si Roro.

At hindi ko hahayaang talikuran lang niya ako nang basta-basta gayong marami pa akong tanong sa isip ko. He just can't leave me hanging like this, not when I know I deserve a decent answers from him.

"Tang ina mo, Broom! 'Wag na 'wag mo akong tatalikuran habang kinakausap pa kita!" I shriek from the top of my lungs. Damn! Wala akong pakialam kung marinig man ako ng lahat ng taong kasalukuyang nagsasaya dito sa school!

This is doubtlessly an important matter! At ano?! Kapag umalis siya, aabutin na naman ng ilang linggo bago ko ulit siya mahanap o makausap?!

Hindi pwede! Hindi ako papayag! Kailangan niyang sagutin lahat ng tanong ko ngayon mismo!

"Bingi ka ba?! Sabi kong mag-uusap pa tayo, e! May pakialam ako kaya magtatanong ako, gago ka!" hinihingal na ako kakasigaw pero hindi siya huminto. Parang wala siyang naririnig.

I bit my lip as my stomach gives a flip of dismay. Mas lalo ko lang kina-frustrate iyon.

Bakit... hindi na siya nakikinig sa akin?

Hinubad ko ang suot kong sneakers at binato 'yon sa kanya. He was hit, and that made him stop. Pero mas nauna pa akong nilingon ng babaeng kasama niya at kitang-kita ko ang pagdaan ng galit at panlilisik sa mga mata nito.

Hindi ko siya pinansin dahil wala akong pake sa kanya. Si Broom, I was expecting him to outburst, to shout at me, but to be failed, napailing lang siya at hindi pa rin ako nilingunan tang ina niya.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Roro," kalmado niya pa ring sabi. Nag-eecho ang boses niya kaya dinig na dinig ko.

I clenched my teeth as I stared at his back in disbelief. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Bunganga mo pa rin pinapagana mo," he slightly turns his head towards my direction, and stares at me like he doesn't even know who I am, that I actually exist. "Hindi utak."

And that hit me really hard.

Dahil pagkatapos non, hindi na ako nakasagot pa. My eyes even shifted on the floor where I am standing at, feeling a bit of embarrassment. Alam ko sa sarili kong may punto siya... kaya nagtubig ang mga mata ko.

My hands never stop from shaking. Igting pa rin ang panga ko pero sinubukan ko munang kumalma dahil ayokong malunod sa sariling emosyon. Kung kakausapin ko man siya, kailangan iyong hindi ako sumisigaw.

Para makapag-usap kami nang mahinahon.

Pero bigo ako dahil nang muli kong iangat ang ulo ko, wala na sila roon. My eyes heated more because I felt really betrayed.

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon