Chapter: 45

2.7K 90 28
                                    

AGKTT45


It feels like I'm floating whenever I tried to move my feet. Kapag naman hindi ako naglalakad, paulit-ulit na nage-echo sa mga tenga ko ang sinabi ni Nanay sa'kin kanina.

Ano pa ba kasing sense kung mag-uusap kaming dalawa ni Ardleigh? Maghihingi lang naman panigurado ng tawad 'yun. O kaya magpapaliwanag.

Pakikinggan ko naman siya eh. Willing naman ako magpatawad. Kaya lang papaano ko 'yun magagawa kung hanggang ngayon, galit pa rin ang nangingibabaw sa akin nang dahil sa mga ginawa niya?

It takes time to heal nga. Sana naman maintindihan nila iyon. 'Di 'yung ipipilit nila na ganito dapat gawin ko kahit na mahirap pa para sa akin.

Pero gagawin ko naman... hindi lang muna ngayon kasi kita niyo naman, hindi pa ako handa. Magulo pa utak ko.

Kinabukasan, tamad na tamad akong pumasok. Pero pinilit ko na lang din dahil naisip ko, wala naman akong ibang gagawin sa bahay. Kung tamad ako pumasok, mas tamad ako mag-emote.

Attend na lang akong practice mamaya ng dance troupe dahil nabalitaan kong may event next week sa high school department at kailangan nila ng magi-intermission number. Alam kong ilang linggo na akong walang paramdam sa grupo pero nagbabakasali pa rin ako na baka... welcome pa rin naman ako, diba?

"Tamlay mo naman ngayon, Roro." sita sa akin ni Kuya Pits nang mag-tap ako sa identification machine.

Nagkibit-balikat ako, "Namamaga lang mga bayag ko, Kuya."

Natawa siya roon at bahagyang tinapik ang balikat ko.

"Sayang. May girlfriend na pala iyong best friend mo? Bagay pa naman kayo nun."

I would normally cringe after hearing those kinds of statements. Pero ngayon, hindi ko alam pero wala akong gana mag-deny. O itama 'yon. O kumontra.

Ngumiti na lang ako ng pilit 'tsaka nagsaludo bago magmartsa papasok ng school. I don't want to drain my energy too much. Nagsisimula pa lang ang araw ako.

Dumiretso ako sa gym dahil ayon kay Aiah, doon nagpapractice ang mga members ng dance troupe ngayon. Pagkarating ko r'on, stretching na 'yung iba.

Si Chelsea, na nakaupo sa mga bleachers, tumayo agad nang makita ako.

"Haven't you heard the news, Roro?" aniya habang papalapit nang papalapit sa kinatatayuan ko. Nakakunot ang noo niya na para bang gulat na gulat siya sa biglaang pagsulpot ko ron.

Tang ina, medyo nahiya tuloy ako.

"Ang alin?"

"Teacher Mariz already dropped you from the group."

What the fuck?

Sa sandaling iyon, parang nabingi ako.

"A-Ahhh... weh?" umatras ako ng bahagya, nanliliit. "Sige pala."

I put my hands on the sides of my pocket. Damn it, Roro. Did you hear that? You were fucking out of the group.

"I'm a bit sad about that because I know your potentials, Roro. However, you already exceeded the maximum absences that they allow to us. It just reflects your irresponsibility as a member."

Suminghap ako't tumango.

"Kailan pa?"

"Last year pa, bago ang bakasyon. As far as I know, nag-send sayo ng email si Teacher Mariz. You can check it,"

Amputa. Huling taon ko na rito sa St. Benilde tapos ganito pa mangyayari.

Bakit ba ang malas-malas ko?

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon