I'm sorry for the late update guys! Swear sobrang dami lang talaga gawain sa school hehe. But here's the update! Sana magustuhan n'yo!
Love you! xx
AGKTT25
Ilang beses akong bumuntong hininga habang akay-akay ko ang ulo n'ya sa kandungan ko. I was caressing his hair tardily... it was smooth, just like his face. Nakasandal ako sa headboard ng kanyang kama habang mahimbing naman s'yang natutulog sa akin.
Parang normal lang naman. Parang katulad lang naman ng dati naming ginagawa. Pero ang kaibahan lang... ngayon, alam na namin sa isa't isa na higit pa sa matalik na pagkakaibigan ang nararamdaman namin.
Hindi ko alam. Natatakot ako.
Natatakot akong masaktan. Kaso iba pala talaga kapag nalaman mong gusto ka rin ng taong gusto mo. I know this is something that is totally out of my vocabulary because all my life, I labeled myself as a lesbian.
Pero ang mga gantong bagay, talaga pa lang nakakababae.
"Hmmm..." bahagya akong nanginig nang makita ang marahang pagdilat ng kanyang mapupungay na mga mata. Agad ding lumipad ang tingin ko sa kisame. Tang ina. Ang gwapo-gwapo ng gago.
Ang kinis ng balat. Para siyang amoy Johnson's baby powder palagi.
"Mae..." he called my name. It's like he's trying to confirm if I'm still here, beside him.
Yes, Ardleigh. I chose to stay.
So please. Alam kong gago ka madalas.
But I'm pleading with all my fucking heart. Don't ever try to break me.
Kasi sa tingin ko, sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko na alam kung paano pa umahon mula sa pagkakalunod ko sa'yo.
"Let's sleep together..." he murmurs again, holding my hand tightly. His warm touch makes my heart pounds at a blistering pace. Damn it. "Can we sleep together?"
Kitang-kita ko ang pamumungay at pangungusap ng mga mata niya nang tingnan ako.
"Ardleigh..." I almost lost my breath when he started to sneak up on my neck. Nararamdaman ko iyon. Ang mainit niyang hininga at ang pag-amoy n'ya sa buhok ko.
Dinagan n'ya ang kanyang isang paa sa aking mga binti. Awtomatikong natutop ako ron, hindi na makagalaw putang ina. He's too close... legit para akong kinakapusan ng hininga!
"Akin ka lang..."
Chills started to run down my spine. Fuck.
"Akin ka lang, Mae... Akin ka lang..." paulit-ulit n'yang sabi. "Please, say it... let me own you..."
"Ardleigh..." I called his name again, trying to get a grip of myself. I think, I'm gonna fucking lose my mind.
Hindi ko makapa ang mga salitang nais kong sabihin sa kanya. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong kumpirmahin. Pero bakit parang ang hirap-hirap magsalita ngayong ganito siya kalapit sa akin?
"I don't care what others would think about this, about us... Basta ngayon, akin ka na. Girlfriend na kita," nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko. "Narinig mo ba ako, Mae? Simula ngayon... akin ka na."
"P-pero..." huminga ako ng malalim at parang gusto nang maduwal sa mga samu't saring emosyon na nararamdaman ko ngayon. Tang inang yan. "Hindi ba tayo... p-padalos-dalos kung ganoon nga?"
Ano na lang ang iisipin ng pamilya ko? Ng pamilya niya? Ng mga taong nakapaligid sa amin?
"We'll tell them slowly... but if you want to keep our relationship secret for a while, then, I'll give you time to have an official break up with Broom."
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Teen FictionMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.