Chapter: 07

4.6K 155 8
                                    

AGKTT07


Hanggang sa maka-uwi kami ng bahay, hindi pa rin talaga ako kinakausap ni Ardleigh. Nakakainis lang kasi dati-rati, dumadaan muna kami sa mga stalls ng street vendors bago dumiretso ng uwi.

Pero ngayon, mukhang bad trip talaga s'ya dahil ni hindi man lang n'ya ako tinanong kung gutom ba ako o ano. Nakakainis! Hindi tuloy ako nakatikim ng isaw ngayon. Agad n'ya akong idiniretso sa bahay tapos umalis na s'ya pagkatapos. Hindi rin nagpaalam.

Nagtitimpi na nga lang ako para hindi ma lang kami magsabay. Syempre galit s'ya. 'Di naman pwedeng sabayan ko pa 'yon dahil mas lalong hindi kami magkaka-ayos. Ang akin lang, pwede namang sabihan n'ya ako kung ano bang kaartehan ang trip n'ya ngayon. Unang-una, 'di naman ako mind reader para malaman kung anong tumatakbo sa isip n'ya.

Communication is the key nga diba? Hindi 'yung ganito na dinadaan n'ya ako sa silent treatment.

Nanggigigil ako.

"Oy Chlorophyll, maawa ka naman d'yan sa unan mo," napatingala ako sa kapapasok lang na si brother Carbon. Wala siyang damit kaya alam kong gusto na naman netong purihin ko mga abs niya.

"Oh edi magsuntukan kami," sarkastiko kong sagot atsaka binato sa kanya 'yong hawak na throw pillow na kanina lang ay ginagawa kong punching bag. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Nagwawaldas ng pera sina Nanay sa pagpapa-aral sa'yo e mi pagkatok sa pinto, hindi mo alam?!"

What if may etits ako tapos bigla niya akong nahuling nagjajakol?!

"Nagsalita ang may manners at brainy,"

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Hoy, Carbon Dioxide! For your information, pwede ko ng gamitin mga perang ginastos sa'yo para sa pagpapalagay ko ng mga bayag! E kung marunong ka lang sanang magpaubaya, edi may dalawang itlog na rin ako ngayon! May pa-doctor of medicine ka pa kasing nalalaman d'yan e takot ka naman sa pekpek!"

Ang mahal-mahal kaya ng tuition fee sa graduate program n'ya, lalo na sa sikat na university pa niya piniling mag-enroll. Buti na lang nga at si brother Oxygen, isa ng Chief Medical Technologist kaya supportado rin itong alien na 'to. Tapos si brother Deuterium naman, graduating na rin at malapit ng maging isang ganap na physician. Sigurado naman akong pasok sa board exam ang isang 'yun kasi ang talino n'ya.

Kaming dalawa na lang talaga nitong si brother Carbon ang malayo pa ang lalakbayin. Nasa first year pa lang kasi siya ng med school. Ako naman, grade 12 pa lang. So ayun nga, malayo pa ang lalakbayin ng pagiging manghuhula ko... sa mga exams namin. At baka mas lalong lumala ang sakit kong... tamaditis.

"Hindi mo sure kung takot ako!" tapos tinignan niya ako nang makahulugan.

Napairap ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Wala. Masyado ka pang bata para malaman ang mga ganong bagay,"

Luh?! Nanonood na kaya ako ng porn.

Anyway. As you see, I came from a family of doctors. Ayokong sumunod sa mga yapak nila dahil 'di ako katalinuhan kumpara sa kanila. Si Tatay kasi, hematologist. Then si Nanay, ophthalmologist naman.

Sa totoo niyan, ipit na ipit ako sa kanila. Pinepressure kasi nila ako na kumuha ng course na related sa medisina. Pangarap ko kasi na maging sundalo pero ayaw naman ng mga magulang ko. Gusto nga nilang mag-STEM ako nun pero hindi ko ginawa. Nag-HUMSS ako kahit na labag na labag 'yon sa kalooban nila.

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon