Chapter: 33

2.8K 111 8
                                    

AGKTT33


Papalubog na ang araw nang makarating kami sa bahay nila Ardleigh. I was supposed to go home but Ashleigh asked me again for another favor. Tulungan ko raw silang gumawa ng scrapbook. At since wala naman din akong gagawin sa bahay at wala akong bubulabugin dahil wala ang mga Kuya ko for some reason,  pumayag na lang din ako sa gusto niya.

Sa pagkalawak-lawak nilang sala, doon namin nilatag ang mga materials and stuff na gagamitin namin. Sa totoo niyan, hindi ko rin alam bakit kailangan nandito ako e wala naman talaga akong alam sa paglalagay ng mga burloloy. Sa Arts nga namin noon, pasang-awa lang grades na nakukuha ko, e.

'Yong gawa ko raw, kayang gawin ng Grade 1.

"Ako na lang maggugupit, pards. Ikaw na magdesign," para naman may maitulong ako ampota. Tumawa lang si Ardleigh at umusog pa papunta sa akin.

Gago 'to. Parang linta.

"I'm sorry for disturbing you po, Ate Kwowo..." naramdaman ko ang malambot na kamay ni Ashleigh na pumatong sa may binti ko. "It's just that... Ate Muffin used to help me with this, but since she broke up with Kuya, I don't have any Ate to give me a hand anymore..."

Man, that gives us complete and heavy silence.

Pati si Ardleigh, mukhang nagulat din sa biglaang sentensiya ng kapatid niya. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng hiya. 'Di naman ako prepared sa mga bagay na 'to. 'Di ako prepared maikumpara sa ex.

Medyo nakaka-conscious din pala.

"Y-Yeah... it's fine with me, Ash. Anything for you," ngumiti ako kay Ashleigh para hindi niya mahalata na sobrang awkward ng sinabi niya. "K-kukuha lang akong meryenda, okay?"

Hindi ko rin natiis. Centralized naman air-con dito pero ba't ako pinagpapawisan? Tang inang 'yan.

Tumayo na ako, hindi na hinintay kung ano 'yong magiging sagot nila. Tubig. Kailangan ko ng tubig. Parang nanunuyo lalamunan ko. Na-tense din, pati na-pressure.

Bakit ba ako naging affected masyado sa sinabi ni Ashleigh? E, bata lang naman 'yun. 'Tsaka wala pa naman siyang alam na meron nang namamagitan sa amin ng kuya niya.

Dapat 'wag ko nang dibdibin kahit malaki na dibdib ko.

"Mae,"

Napapikit ako nang ma-realize na sumunod pala sa akin si Ardleigh. Mi hindi ko iyon napansin dahil lutang talaga ako hanggang sa makapunta na ako ng kusina nila.

Ewan. Hindi ba dapat, hindi na lang muna niya ako sinundan? Hindi rin naman siya makakakuha ng matinong sagot sa akin. Gayunpaman, nilingon ko siya.

Kunot ang noo niya ngayon. Parang gusto niyang magpaliwanag pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Habang ginagawa niya 'yon, pinasadahan ko ng tingin ang bawat detalye ng mukha niya.

Tanggap ko naman.

Walang-wala ako kung ikukumpara kay Muffin. She has a lot to offer. E, ako? Ako lang si Roro. Tibo sa iba pero babaeng-babae pagdating sa gagong 'to.

"Oh, napano?" maangas kong sagot. I tried so hard to make it sound natural. I just don't want to highlight my bitterness because I think it's unnecessary.

Dumiretso na ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Nanginginig pa ang kamay ko pero pinipilit ko talagang kumalma.

"Are you okay?" umpisa n'ya. I know he's gauging my mood. He knows that one wrong word from him, then I'll outburst.

"Bakit hindi naman ako magiging okay?" binalik ko ang tanong sa kanya.

"Mae, I hope you won't compare yourself to others just because of what Ashley said awhile ago,"

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon