AGKTT18
Hindi kami natulog ni Ardleigh the whole night. We just kept on talking... and talking. Mi hindi kami nauubusan ng sasabihin sa isa't isa. Given the fact na halos dalawang araw pa lang kaming hindi nagkakausap, pero sobrang... fuck.
Ang dami naming napag-usapan. Pero usually, iyong tungkol lang naman sa mga bagay na gusto naming gawing dalawa iyong topic namin. For instance, ang plano namin this coming Christmas vacation. Sinabi n'ya na kailangan kami pa rin ang magkasama kahit na nandun sina Rad, Charl, at Callix.
But aside from that, I never dared to bring up the topic about him and Amanda, or about me and Broom. Pero nadulas s'ya. He admitted the truth. He's now dating Amanda Olivarez. And I don't think that was a good idea. Okay pa kung si Chelsea.
Pero si Amanda? Tingin ko lang ay hindi kami pwedeng magsama nang matagal sa iisang lugar. Isang titibo-tibo at isang haliparot? Kayo na bahala mag-predict kung ano ang mga possible scenarios na pwedeng mangyari.
Nevertheless, I had to accept it. Kasi tinanggap ni Ardleigh kagabi ang sa amin ni Broom. Ang kaibahan nga lang, 'yong sakanila totoo. At 'yong sa amin naman, isang malaking kalokohan lang.
Bukod pa ron, ginagawa ko lang naman 'to dahil ayokong mapahamak s'ya. Pero s'ya? Ginagawa n'ya 'to para sa pansarili n'ya.
Wala naman akong magagawa. Gaya nga ng sabi ni Nanay, hindi oras-oras e pwede kaming magsama. Darating din ang araw na kailangan naming maghiwalay para bumukod. Pero as much as possible, ayaw ko na munang isipin ang bagay na 'yon. Gusto ko pang makasama si Ardleigh ng mas matagal.
Girlfriend lang naman sila.
Ako?
Best friend ako. Best friend.
At kahit anong gawin nila, hindi nila makikilala si Ardleigh sa paraang alam ko. Ako... alam ko ang lahat tungkol sa buhay niya dahil sabay kaming lumaki.
During weekends, thankfully Broom didn't bother me. Kina Ardleigh lang ako buong magdamag nakatambay. Na-miss ko PSP at kwarto n'ya, e. Buti pa dito, literal na buhay prinsipe ako.
Pero ang mas ikinatuwa ko talaga ron, nang tumawag si Amanda sa kanya para ayain s'ya mag-date. 'Di naman nagdalawang isip na tanggihan s'ya ng pare ko. Aba dapat lang. Kitang ngayon lang ulit kami nagkasama tapos lalandi pa s'ya?
Pero sabi nga ni Nanay, 'di ko naman pwedeng kontrolin si Ardleigh sa mga bagay na gusto niyang gawin. Pero hindi ko lang din talaga maiwasang maasiwa sa Amanda na 'yon. Kababaeng tao kasi s'ya pa talaga itong may lakas ng loob mag-aya sa labas.
Or ganun lang ba talaga sa isang relasyon... kapag mas matimbang ang nararamdaman ng babae kaysa sa nararamdaman ng lalaki?
"Pards, ano gusto mo kainin ngayon? Pagluluto kita,"
Napa-ayos ako ng higa nang biglang magsalita si Ardleigh. Nakahilata kasi ako ngayon sa kama n'ya habang naglalaro sa phone niya ng Flappy Bird. Walang ML o kahit COD man lang, e. So pinagtiyatiyagaan ko na lang 'tong pesteng ibon na 'to.
Pinause ko muna 'yung game para makasagot sa tanong n'ya.
"Gusto kong kaldereta."
Ngumiti s'ya sabay saludo sa akin. Mukha siyang shunga. Na pogi. "Kalderetang may kasamang Pagmamahal ni Ardleigh de Guzman!"
I instinctively raised my middle finger at him and just he laughed his ass off.
"Ayan ba ang natutunan mo kay Amandog?!" tapos pinag-babato ko s'ya ng throw pillow. Tawa pa rin ng tawa ang gagu.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Novela JuvenilMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.