AGKTT21
Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko, iyong pamimitik ng ulo ko ang agad kong naramdaman. It hurts like fucking hell and damn it, my vision was totally muddled.
Tang inang... naka-ilang shot ba ako kagabi at ganto kasakit ang ulo ko ngayon?
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. I couldn't remember a thing. Kapag naman pinupwersa ko ang utak ko na alalahanin ang mga ginawa ko kagabi, mas lalo lang dumodoble ang sakit ng ulo ko. Mi hindi ko na alam kung papaano ba ako nakauwi ng bahay.
Dahan-dahan akong bumangon... ngunit nang gawin ko iyon ay s'ya namang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
My heart beats in an instant.
Shit, man.
Si Ardleigh.
"Maevis," tumindig ang mga balahibo ko sa lamig ng boses n'ya.
Hindi ko alam kung saan ko ipapako ang tingin ko. I was like a student caught cheating by her teacher. Naka-suot na s'ya ng uniform pero nang lumipad ang mga mata ko sa orasan e pasado alas nuebe na. Ibig sabihin... hindi siya pumasok?
Napakurap-kurap ako.
"Ano na naman bang pumasok d'yan sa utak mo at naisipan mong uminom?!"
Tang ina halos mapatalon ako sa biglaan n'yang pagsigaw. Parang nawala rin ang dinadaing kong pagkahilo dahil sa lakas ng boses niya. Kitang-kita rin 'yung dilim sa bawat titig niya kaya pakiramdam ko e umurong lahat ng kasigaan ko sa katawan.
Lagot ka, Roro.
"P-Pards... k-kase... a-ano..." napalunok ako sa intensidad. 'Di ko magawang salubungin ang mga tingin n'yang nanlilisik sa galit.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!"
Nilapitan n'ya ako at matumal na tinabihan sa kama. I even had the time to fucking flinch when our body touched. At iyong puso ko... parang gusto na ring lumabas dahil sa bilis ng tahip nito. Putang ina. Kinakabahan ako.
Hindi ba n'ya naririnig?
Malamang hindi. Sagot agad ng utak ko. Sabagay. Manhid ba naman ng gagong 'to.
"B-bakit ka ba nandito? Diba d-dapat... nasa skwelahan ka?" for the second time around, I gulp soullessly.
The fucking shit, Roro. Will you stop blubbering in front of him?!
"Tingin mo makakapasok ako nang ganyan ang kalagayan mo?" kuno't noong tanong n'ya.
Napayuko ako. 'Di ko alam.
Wala akong alam na sabihin. Tang ina 'di ko naman pwedeng sabihin sa kanyang kaya ko lang naman 'yon ginawa kasi... gusto kong makalimot.
"May problema ka ba?"
I instinctively looked away. Guilty na kung guilty pero asa kayong aamin ako. "Wala,"
"Bull shit na wala 'yan."
Hindi ko na pinansin ang panghihimutok n'ya. Ayokong madalas. Hindi ako pwedeng madulas.
"Asan sina Nanay?" I tried to change the topic.
"Pumuntang clinic. Sinamahan si Tito."
"Sina Kuya?"
"Umalis na rin."
What the fuck? Basically, kaming dalawa lang dito sa bahay?!
"Halos atakihin na sa pag-aalala Nanay mo tapos ganyan lang magiging reaksyon mo?" he glared at me as he pinched the bridge of his nose, probably showing me how disappointed he was. "Fuck... you're really driving me nuts..."
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
JugendliteraturMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.