I'm sorry for the long update, guys. I hope I can make it up to you. Promise, dadalian ko na ang update hehe. I'm too busy with school works these past few weeks that's why I cannot find a time to write my thoughts hehe. And please, keep yourself safe and untouched with corona virus. Love you all! <3
AGKTT47
I was hesitant if I'm still going to walk upstairs or just let Tita Isabelle tells Ashleigh that I went here. Kung hindi ko lang naisip na magtatampo talaga sa akin ang batang iyon, hindi na ako tutuloy pa.
Aminin ko man o hindi, alam kong base sa reaksyon ko, halatang nabagabag talaga ako sa sinabi ni Tita Isabelle sa akin kanina. Pero tang ina kasi. Ano pa bang dapat kong ikatakot, hindi ba? I have already discovered a lot of hurtful things. Ngayon pa ba ako matatakot?
Kalokohan.
With utmost courage, na hindi ko rin alam kung saan ko nahugot, marahan kong tinahak ang ikalawang palapag ng venue. Minutes from now, mag-uumpisa na ang party but I only went here to greet and that's all. After this, uuwi na ako. Tama. Uuwi na ako.
Nang itanong sa mga server doon kung saang kwarto inaayusan si Ashleigh, hindi na ako nagdalawang suyurin ang direksyon na binigay sa'kin. Tahimik akong nagmartsa papunta sa kwartong tinuro. Nang matalunton iyon, the door was slightly ajar so I took a peak inside. Halos manlamig lang ako nang makita kung sino pa ang naroon...
Putang ina. Bakit hindi ko ba kaagad naisip 'yon?
Tatalikod na sana ako para umatras ngunit huli na ang lahat. Ashleigh already noticed my presence. Nakatalikod na ako sa oras na 'yon kaya hindi ko alam kung bakit pati ang likuran ko'y kilala niya.
"Ate Kwowo..."
It sounds cute because even though she's now six years old, hirap na hirap pa rin talaga s'yang bigkasin ang pangalan ko. But obviously, it's least of my concerns right now.
Kasi ramdam ko na ang maiinit na titig sa akin ng kasama niya... ng kuya niya.
"Why are you hiding po?" malungkot na dugtong niya. "You never came to our house like you always do... did we do something to make you feel upset po?"
Shit.
Paano ako lulusot?
Bumuntong hininga ako at tinanggap na ang kaganapan. Dahan-dahan akong lumingon sa kanila, sinikap na umaktong walang mali dahil ayokong madawit sa problema namin 'yong bata.
"Busy lang ako, Ash..." tugon ko atsaka pinilit na ngumiti. "Wala naman ding rason para magalit ako sa'yo."
"You never visited my Kuya, too..." lumabi ito. She's dressed in a beautiful Cinderella gown. Katatapos lang s'yang ayusan and she looks so pretty, like a real princess.
Kahit nararamdaman ko na ang pangangatog ng mga tuhod ko, pinilit kong humakbang para makalapit ng kaunti sa kanila.
Lumunok pa ako ng laway bago nagsalita.
"Happy birthday!" I greeted her with delight. Sinadya ko na hindi pansinin ang naging puna niya sa mga nangyayari sa amin ng kuya niya. Ayoko nang gumawa ng kwento. "It's your day... hindi ka dapat malungkot."
Tahimik lamang na nakikinig si Ardleigh sa amin. Nang sulyapan ko siya, doon ko lang din napansin ang ayos niya. He's wearing a white tuxedo, with a black shirt inside. His hair was perfectly fixed, too. Naka-puting sapatos din, kagaya ko.
I admit that he looks so handsome... that for a quite while, I almost couldn't believe he's actually my ex-boyfriend.
Fucking lmao.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Novela JuvenilMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.