AGKTT20
Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagsibalikan sina Charl, Rad, Callix at Ardleigh sa table namin. Irritation is clearly plastered across my face. Kapag tinatanong nila kung bakit bugnot ang itsura ko, isa lang naman ang namumukod-tanging sagot ko, ang pagkibit-balikat. While Amanda the 'di pantay ang kilay, bumalik na sa pagiging santa-santita niya.
When Ardleigh came, her mood suddenly lifted up. Tang ina kanina pa ako kating-kati na hilahin bawat hibla ng buhok n'ya. Wala nga si Martha, pero gagu andito naman 'tong higad na 'to.
"Pards... kain kang marami," pang-limang beses na yata iyong binigkas ni Ardleigh. Kulang na nga lang, siya na iyong ngumuya para sa akin nang kinakain ko, e.
Pa-simple akong umirap. Nasa harapan ko s'ya ngayon, katabi n'ya ay si Amanda. Pero na sakin ang buong atensyon niya magmula pa kaninang nagsimula kaming kumain.
"Busog ako."
"Gusto mo subuan kita?"
And of course, being the mahadera, sumabat 'yong girlfriend niya. "'Di na siya bata para subuan mo pa, babe."
Babe ampota.
"Lagi ko naman 'tong ginagawa," casual lang na tugon ni Ardleigh.
"Well, the case is different now. May girlfriend ka na. So please, you should only care about me."
Napa-taas ang isang kilay ko, kasabay non ang tuluyang pagkunot ng noo ni Ardleigh.
"Maevis is my best friend, Amanda. Parte na siya ng buhay ko bago ka pa man dumating," bakas ang pagkabanas sa boses ng pare ko nang sabihin iyon.
Well, ayoko na magsalita. Bahala sila dyan.
"And so? I'm still your girlfriend, Ardleigh. And..." tumingin s'ya sa akin. Mariin at parang nang-iinsulto. "...she's just nothing but your best friend! Besides, may boyfriend na rin naman siya, ah? I think, it's not right when you would treat her like a baby!"
Ano bang pinaglalaban ng bacteria na 'to?
Pakainin ko siya ng mga bayag ni Porkchop, eh!
"Wait lang, Amanda. I don't want to interrupt pero piece of advice lang, their friendship is out of your business. Stop sticking your nose to it because no matter how hard you tried making them apart, I tell you... hinding-hindi mo 'yon magagawa kahit ano pang sabihin mo." mahinahon naman na singit ni Callix.
At si bruha, malamang triggered. Halatang gusto pa n'yang magsalita pero masamang-masama na ang tingin sa kanya ni Ardleigh. Napaisip tuloy ako.
Yes, I won't deny the fact that Amanda Olivarez is a typical smoky-hot-lady. Kahit sinasabi kong hindi pantay ang kilay niya, hindi ko naman ikakaila na maganda talaga siya. Pero kung sa pag-uugali naman ang pagbabasehan, I don't even think it would fit Ardleigh's standards.
So, the question is... why her? I mean, of all the ladies who would willingly throw themselves on him, bakit si Amanda pa ang pinili niyang patulan?
Honestly, it's pretty obvious that their relationship would not even last for a month. Sa sitwasyon pa lang na ito, alam kong hindi na sila magtatagal.
I just know Ardleigh better than anyone else.
Pagkatapos nang huling subo ko ng kanin, tumayo na ako atsaka niligpit ang mga gamit. Syempre, sa akin na naman nalipat ang atensyon nilang lahat.
Amanda is glaring at me. Sa mukha n'ya ngayon e halatang gustong-gusto na n'yang itusok 'yong hawak n'yang tinidor sa bawat internal organs ko.
Gago 'to, ah.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Ficção AdolescenteMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.