AGKTT42
Nagsimula na ang klase matapos ang grand entrance kuno ni Muffin. All along, I was trying to keep my cool and do things in a normal manner. Pero hindi ako manhid para hindi maramdaman ang mga mapangakusang tingin sa akin ng bwisit na babaeng 'to.
As if namang 'di normal ang dirty finger sa bansa kung saan siya naghasik ng lagim. Kagigil ang kapabebehan niya amputa.
"Class dismissed."
Buntong-hininga ang una kong iginawad matapos sabihin 'yon ni Cher Linda. Buti nga at mismong mga magulang ko na ang nakiusap sa kanya noon na maga-absent ako ng isang linggo para lang talaga hindi niya ako tuluyang i-drop sa klase niya.
Nga lang, kailangan ko raw gumawa ng special projects para sa subject n'ya at i-take ang mga na-missed kong quizzes.
Oh, well. Ang importante ga-graduate.
Sinabit ko na ang isang strap ng backpack ko sa balikat matapos mag-unat. I was heading outside our room when someone touches me, madiin iyon na nakadantay sa balikat ko kaya madalian akong napabalikwas.
I instantly raised a brow when I found out who it was. Halos manirik ang mga mata niya kakatingin sa'kin. Sa reaksyon niya, halatang kanina pa siya kating-kati na kausapin ako at bakas don ang bahid ng inis.
"Napano ka?" I asked her cooly. Pinagpagan ko rin ang balikat ko kung saan niya dinantay ang palad niya.
She heaved a deep sigh, obviously trying to control her temper.
"Chloro, what was that for?" she asked through gritted teeth.
Awtomatikong napangisi ako sa naging tindig ng boses niya. Santa-santita na naman ang role neto puta. "Pinagsasabi mo diyan?"
"Stop fooling around, Chlo," pairap na siya ngunit nang binati ng isa sa mga kaklase ko, kita kong muling nanumbalik ang mala-anghel niyang postura pagkuwa'y ngumiti. Matapos 'yon, muli niya akong binalingan ng tingin na para bang walang nangyari. Gago 'to, ah. "Aren't you happy to see me?"
Putang ina, ano raw?
"Nakahithit ka ba?" I literally looked at her in disgust. "Bakit naman ako magiging masaya ngayong nakikita kita? Bakit? Sino ka ba sa tingin mo?"
A glimpse of hatred appeared in her eyes, "Chlo..." she says irritatingly, "Are you jealous because Ardleigh chose me over you?"
Pagak akong natawa dahil don. Masyadong direct to the point, eh?
"Ulol. Pake ko sa inyong dalawa?"
I put my right hand on the side of my pocket, preparing myself to exit but then, bumanat na naman siya.
"He told me what happened between you and him when I was away. So stop showering yourself with your own bitterness, Chlo!Move on!" diin niya pa.
Doon ako nanigas. It felt like the air has been knocked out of my lungs and it awakens my anger. Inabangan ko kung ano pa ang susunod na lalabas sa bibig niya pero hindi na siya nakaimik.
I turned my back once again to face her. I fucking hate the fact that when I'm looking at her, I feel intimidated and outclassed. Oh, edi siya na maganda!
But I do not need that gotdamn beauty if in return, I will going to possess the attitude of a trashy woman! Mas mabuti ng maging pangit kaysa maging pangit ang ugali! Magka-iba 'yon!
"Kung makapagsalita ka, akala mo wala kang ginawang katarantaduhan noon, ah," I said it with full emphasis. Ramdam ko pa na pinagbubulungan na kami ng mga estudyante sa gilid pero amputa, sino'ng may pake?
Itong babaeng ito ang nag-ungkat ng nakaraan kaya sige, pagbibigyan ko siya tang ina niya.
"Matapos mo kaming iwan nang walang pasabi, lakas ng loob mong magsalita ng ganyan sa harapan ko?" I never take my eyes off her. Gusto kong maramdaman niya ang galit na kinimkim ko para sa kanya sa loob ng ilang taon.
"You're just a best friend, Chlo. Iyon lang ang role mo sa buhay naming dalawa ni Ard. You should have reminded yourself from the very beginning! Sana hindi ka na nangahas para hindi ka nasasaktan ngayon!"
For the nth time, I laugh without humor. Ewan ko. Para sa akin, wala siyang karapatan na magsalita. Wala siyang karapatang pagsabihan ako dahil wala siyang alam ni isa sa mga nararamdaman ko.
"Wala ka pa rin talagang pinagbago, Muffin. Palagi ka pa ring tama hanggang ngayon," naiiling at dismayado kong sambit, handa na ring talikuran s'ya. I don't want to waste my time here, anyway.
Pero bago ko pa man 'yon nagawa, she already got my arm. Mahigpit ang hawak non sa uniform ko kaya pinandilatan ko siya ng mga mata ko. But then, I only heard her pathetic sobs. The fuck?
Galing magpa-victim ng pota.
"'Wag mo 'kong artehan ng ganyan, Muffin. Alam ko ang tunay na kulay mo inamoka," malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Ngayon, bitawan mo ako."
Pero imbis na bitawan ako ay mas lalo pa n'yang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin.
"We need to talk privately."
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Saksak mo pa sa ngala-ngala mo si Ardleigh. Magsama kayong dalawa. Parehong manggagamit!"
Mabilis kong binawi ang braso ko sa kanya. Pero nang pagtalikod ko ay siya ring pagbungad ng mukhang ayoko na sanang makita pa kahit kailan.
Nagtagis ang bagang ko dahil sa eksenang nangyayari.
Putang ina. Pinagtagpo pa talaga ang landas ng mga taong sumira ng buhay ko? Nakapagitna pa ako sa kanilang dalawa. Sinusubukan yata talaga ang haba ng pasensya ko.
"Mae..." he says my name like he longs for it, like it costs him so much pain.
Sa puntong iyon, gusto ko na lang silang murahin ng paulit-ulit. O sumigaw... o mawala na lang bigla doon.
Could this day just get any better?
Sa huli, naisipan kong lampasan na lang siya. Bigla akong na-drain. Ayaw ko nang makarinig pa ng kahit na ano dahil alam kong kagaguhan lang naman din ang lalabas sa bibig niya.
Pero bago pa ako tuluyang makahakbang papaalis, naramdaman ko na ang agarang paghawak niya sa kamay ko. I felt a sudden shiver. For a split of time, parang nawala lahat ng buto ko sa katawan dahil sa labis na panlalambot.
"Don't fucking touch me, you fucking asshole!" I hissed at him. Parang tanga kasi nakatingin lang ako don sa kamay niya, hirap na hirap na tanggalin 'yon.
Gusto kong magpumiglas pero amputa, bakit hindi ko magawa-gawa?
"Mae... let's talk... please..." bakas sa boses niya ang samu't saring emosyon.
Pero sino pa nga ba ang maloloko n'ya? He fooled me once, and he cannot fool me twice!
Umiling ako ng ilang beses, wala pa ring pakialam sa mga matang kanina pa nakamasid sa amin. "Simula nang tinalikuran mo ako, tinalikuran na rin kita. You have no one to come back to, Ardleigh. Kaya kahit lumuhod pa kayo sa harapan ko, hinding-hindi mo na ako madadala sa pang-uuto mong gago ka!"
"Mae naman," he shook his head in disapproval. The nerve! "Isang beses mo lang naman akong pakikinggan, tang ina hindi ba pwede 'yon?"
"You fucking know me," sinubukan kong salubungin ang mga tingin niya ngunit pakiramdam ko'y mas lalo lamang akong nanghina. "I'm not fond of second chances."
His face screams now in hopelessness. I fucking hate it because it still pains me whenever I see him like that. Pero nilabanan ko iyon at pilit na tinago.
And using the remaining strength that was left in me, I compellingly remove his hand out of my skin and utter the words...
"You left, remember?"
Gusto kong maging matapang sa harapan nila, lalong-lalo na sa harapan niya.
Pero nabigo ko mismo ang sarili ko dahil isang hakbang pa lang ang layo ko mula sa kanila, sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Ficção AdolescenteMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.