I'm almost done! :)) Bukas ulit ang update hehe. Salamat sa suporta niyo!
AGKTT58
"Nay... 'wag niyo muna siya bibiglain." hawak ko sa braso ni Nanay nang maupo kami sa sala ng mga Duterti.
Sabado ngayon at sa mismong araw na'to, kikitain namin si Broom. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya sa mga nangyayari. Wala akong sinabi sa kanya kasi ayoko namang pangunahan 'yon... o sa'kin mismo manggaling 'yong sagot sa tanong niyang matagal na niyang dala-dala sa isipan niya.
Maaaring kapatid ko siya pero alam kong wala pa rin akong karapatan para pangunahan si Tatay.
Huminga ako nang maluwag. Si Tatay... kanina pa siya tahimik. Nanginginig din 'yong mga kamay niya, pulang-pula ang mga mata. Hindi ko naman siya masisisi kung guilty talaga siya sa mga pagkukulang niya.
Nabanggit ko rin kasi sa kanila 'yong napagdaanan ni Broom sa stepfather niya kaya mas lalo siyang nalungkot, 'yong pekeng relasyon namin... pati na rin ang dahilan ng pagkamatay noong Mama ni Broom.
Tumango sa'kin si Nanay habang hinahawakan 'yong kamay kong nakadantay sa braso niya. Hinagod niya iyon ng mararahang haplos kaya nabawasan kahit papaano ang bigat sa dibdib ko.
Si Ardleigh naman, hindi pa kami nakakapagkita simula noong gabing nalaman namin 'yong binabalak ni Tita Mullary. Alam kong magkalapit lang ang mga bahay namin pero binigyan ko muna rin siya ng space makapag-isip. Nang wala ako.
Pero sasabihin ko rin naman sa kanya 'yong nangyayari sa pamilya namin, lalo na 'yong tungkol kay Broom.
Akalain mo nga naman.
Sino bang mag-aakala na kuya ko pala ang taong pinagselosan niya noon?
But still... I think things are really meant to happen per se. Kasi kung hindi dumating si Broom sa buhay namin... malalaman kaya ni Ardleigh na may nararamdaman na pala siya sakin? Magiging kami ba?
I smiled unconsciously because of those sudden thoughts.
Si Broom... kahit ano'ng mangyari, blessing in disguise talaga siya sa buhay ko kahit halos isumpa ko na siya sa una naming pagkikita.
"Maralf... Umayos ka. Pababa na ang anak mo." dinig kong sita ni Nanay sa nakatulalang si Tatay.
Parang natauhan si Tatay doon. Pero kitang-kita ko ang paghulma ng mga luha sa gilid ng mga mata niya noong makita na si Broom.
Napakagat-labi rin ako nang may mapagtanto.
Kitang-kita naman kasi sa mga mukha nila. Si Tatay... kamukhang-kamukha niya si Broom.
"A-Anak..." garalgal ang boses ng tatay ko nang sambitin iyon. Kita ko naman ang pagtaas-baba ng balikat ni Broom. Halata mong wala siyang tulog kasi ang itim ng ilalim ng mga mata niya. Namayat din siya kumpara sa huli naming pagkikita.
At sa paraan ng pagtingin niya sa amin, mukhang alam na rin niya...
Akala ko magagalit siya. Akala ko sisigawan niya si Tatay. Akala ko magtatanong siya ng magtatanong pero ganun na lamang ang gulat naming lahat nang sakupin niya ang distansya sa pagitan nila ni Tatay para mayakap ito ng sobrang higpit.
Broom...
Tumulo ang luha ko nang makita kung paano siya humagulgol. Kung paano puminta ang sakit at pangungulila sa mga mata niya.
Tahimik lang kaming magkakapatid. Si Nanay, tahimik rin na umiiyak habang pinapanood si Tatay at si Broom.
"P-Pa..." garalgal na bigkas ni Broom.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
أدب المراهقينMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.