Chapter: 11

4.3K 134 13
                                    

AGKTT11


"Dude, barhopping kami mamaya ng basketball team. G ka?" napangiwi ako sa tanong ni Callix.

"May practice kami ng troupe, e. Baka pagalitan ako ni Chelsea," and if ever I'll ditch, siguradong mabubusog na naman ako sa mga pangaral ng choreographer namin na 'yun.

Ang suplada pa naman. Pero crush ko siya. Ang ganda niya, e. Tapos yakult pa 'yung shape ng katawan.

Pero balita kong tinatablan din 'yun sa charisma at kapogian nitong pare ko. Kumbaga, isa rin sa mga nagkakagusto sa kanya pero lowkey lang. Nakakabanas, diba? Iyong mga laging natitipuhan ko, si Arldeigh ang gusto. Ano bang mali sa'kin? Siga-siga lang naman ako pero to tell you honestly, 'pag ako nagmahal? Huh. Pati pempem ni Pipay, lalanggamin.

"Hintayin ko na lang matapos practice n'yo, pards. Para sabay na tayo sumibat,"

Tinaasan ko ng kilay si Arldeigh dahil sa biglaang suhestiyon niya. "Hihintayin mo ako o balak mo lang talagang lumandi dun?"

He eyed me defensively. As if namang hindi ako aware na halos sa mga ka-troupe kong babae ay magaganda't balingkinitan. E, may pinatos na nga siya sa mga 'yun. Hindi ko lang alam kung ilan na pero anito'y hanggang talking stage lang naman. Pero mostly, iyong mga palasunod sa mga moda ang pinipili nito.

"Ayunnn! Ang hilig makipag-fling pero takot naman sa commitment! Man up, pre! Saan mo ba dinadadala ang mga bayag mo?" pinagsasapak siya ni Rad since siya lang iyong katabi niya sa left side ng table namin. Nakapagitna naman ako kina Charl at Callix, paharap sa kanila.

"Wala akong pinopormahan dun, gago," simpleng sagot niya habang pinaghihimay niya ako ng paborito kong bangus.

Charl smirked, "How about Chelsea Dominguez? Balita ko niyaya mo siyang lumabas noong nakaraang linggo, ah."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Teka, teka. Wala yata akong alam dun?

"Hindi naman ako 'yong nagyaya. Siya," Ardleigh replied, shrugging his shoulders. What the fuck? Nag-date sila nang wala man lang akong kaalam-alam? "Syempre, nakakahiya naman kung tanggihan ko e maraming nakatingin nun. Babae pa rin naman 'yun."

"Hoy, de Guzman! Ba't 'di yata ako updated diyan?" halos pasinghal kong tanong sa kanya.

Alam ko namang most of the time ang mga dinedate nito, e. May pattern nga siya about girls at memorize ko na lahat ng iyon. Big boobs. Thin waist. Maputi. Mahaba ang buhok. Long legged.

"You're mad that time, Mae. As much as I want to talk to you, hindi naman ako makalapit kasi todo iwas ka sa'kin,"

Sabagay... ano naman sa akin kung i-date niya lahat ng babae dito sa Pilipinas?

"Whatever," I rolled my eyes and took a sip on my juice. "So, ano ba ganap niyo nun? Kaya pala blooming magturo ang isang 'yun these past few days, e. Naka-date pala 'yung crush niya."

Swerte naman ng kumag na 'to. E, ako nga matagal ko nang pinagnanasahan 'yun pero 'di man lang ako magawang tapunan ng tingin. Pero samantalang s'ya, tang ina ang effortless. Babae pa 'yung nagyaya.

Siguro, iyon na iyong pinakamalaking advantage ng pagkakaroon ng mga bayag para sakin.

"Usual dating stuffs," he answered jadedly. Sa tono niya ay halata mong napilitan lang siyang um-oo. Sabi sa inyo mataas ang standards ng kumag na 'to, e. "Nanood ng sine. Kumain. Naglibot."

"Hindi mo dinala sa hotel, pre?" tinaas-baba ni Callix ang isang kilay niya. "You know. Malamig ang panahon, e. Baka naman ginawa mong heater katawan nun." tapos nagtawanan 'yong tatlo.

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon