Hey guys! I'm sorry late update na naman huhu :(( I love you all!
AGKTT43
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin pagkuwa'y huminga ng malalim. Tinakbo ko ang pinakamalapit na restroom at nilock ang sarili ko roon. Puta. Mukha akong sabog.
Kailangan kong maghunos-dili. Konting tiis na lang naman diba? Pa-graduate naman na ako. Konting panahon na lang at maghihiwalay na kami ng landas.
Konting panahon na lang... hindi ko na ulit sila makikita pa.
Kailangan kong ayusin ang sarili ko.
Pinahid ko ang kahuli-hulihang luha na lumandas sa pisngi ko. Muli akong suminghap at sinubukang aluhin ang sarili. Nang masigurong kaya ko na, taas-noo akong nagmartsa papunta sa canteen.
Alam kong late naman na ako sa susunod na subject. Wala rin akong balak pasukin 'yun lalo na kung ganito ang ayos ko. Hindi naman ito ang first time na magcu-cutting ako. In fact, gawain ko 'yon noon. Nahinto nga lang dahil may ugok na bawal ng bawal sa'kin.
Ngayong wala na... shouldn't I be happy? 'Coz at this point, I can now do things whatever I want. Kasi wala nang magsusumbong sa'kin. Wala na ring pipigil.
Pero bakit...
Hindi ako masaya? Bakit parang ang hirap-hirap nang maging masaya?
"Maevis?"
Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Iyong boses matagal ko na ring hindi naririnig.
Sa mga problemang naransanan ko, nakalimutan ko na rin yatang nabubuhay pa siya.
"May klase na mga HUMSS, ah. Ano ginagawa mo rito?"
Marahang tumaas ang isang kilay ko. Iyong last na pagkikita namin, n'ong Christmas party pa. Hindi nga lang naging maganda paghihiwalay ng landas namin. Lalo na't nalaman kong pumanaw na pala 'yong kapatid niya.
"Late na ako," casual lang na tugon ko sa kanya. Kung papasok ako, baka mapahiya lang ako ng teacher.
"Totoo ba balitang narinig ko?"
I glared at him, "Ano na naman?"
"Break na kayo n'ung gago mong best friend?"
"Ahhhh," napatango-tango ako at blangko ko siyang tiningnan. "Anong pake mo?"
"Mae... I did not let you go for this." he murmurs and quickly look away.
Hindi ko 'yon narinig dahil bukod sa maingay dito sa canteen, ang hina pa ng boses niya.
"Kanino mo nalaman?" I suddenly ask out of curiosity.
Nakatingin pa rin siya sa mga sapatos niya. Parang timang.
"Someone... told me."
"Wala namang ibang tao na nakaalam ng relasyon namin bukod sa inyo."
"Hindi naman na importante kung sino ang nagsabi," I heard his deep sigh. "Pero, Mae... Bakit? Ano'ng nangyari?"
Nilagay ko ang dalawa kong mga kamay sa bulsa ng palda ko at nagkibit-balikat.
"May mga bagay talaga na kapag hindi pwede, agad ding natatapos, Broom. Sa sitwasyon naming dalawa, masyado kaming nagpadala sa agos ng mga damdamin namin. We know our limits but we still crossed it. Kaya... ganito ang kinalabasan ng lahat."
I was about to step forward para makabili na ng gusto kong kainin pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Pinasadahan ko iyon ng tingin bago inilipat 'yon sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
JugendliteraturMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.