Five more chapters to go and it's done! Thank you for all of your support! I never thought I could go this far :))
AGKTT55
"Sure ka? Kasama 'yang babae na 'yan?"
Halos irapan ko na si Aiah dahil kanina pa talaga niya ako sinisiko at tinatanong kung okay lang ba sa'kin ang presensya ni Muffin sa table namin. Tinanong niya ulit 'yon nang sabay silang pumila ni Ardleigh para bumili ng makakain.
Hindi naman kasi pwede.
Hindi ako pwedeng magselos.
"Kaibigan namin s'ya. 'Tsaka hindi naman kami magkakabalikan ni Ard kung hindi siya nagparaya."
She shrugged her shoulders nonchalantly. Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Malay mo nagkukunwari lang."
Sa puntong 'yon, mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. That thought just never crossed my mind.
"Muffin is harmless. How many times do I have to tell you that?"
"By..." binalingan niya si Rad, naghihingi ng second opinion. Halos maduwal pa ako nang dinakma niya si gaston sa ilalim ng mesa para lang makuha nito ang buong atensiyon niya. Tang ina ng dalawang to! No doubt kung bakit sila nagtagal! "Ano tingin mo kay Muff? Mapagkakatiwalaan ba siya?" anito sa kanya.
Sumulyap muna sa'kin si Rad bago ibinalik ang mga mata sa girlfriend niya. "Pwede. Pero hindi ko masasabi ngayon kasi tagal na naming 'di nakakausap 'yon, e."
Tinignan ako ni Aiah at itinaas ang mga kilay as if telling, "I told you." After that, I heard Rad groaned and said, "Oh, shit. Sarap niyan, babe!"
Gross.
Pati ba naman dito sa canteen?!
Inirapan ko na lang silang dalawa bago inilipat ang tingin sa iba pa naming kaibigan. Break na si Callix at Arianie kaya ngayon, may bago nanamang nakakalawit sa braso niya. Si Charl naman, ayaw ng commitment kaya until now, flings lang ang meron siya. Yes. Plural. Flings. Si Aiah at Rad lang talaga ang nagtagal, buti naman at napanindigan nila ang relasyon nila.
Kay Martha naman? Wala na akong balita sa pugita na 'yon. 'Di na kami nagkita simula noong bakasyon namin sa Baguio.
"Oh my God..." Aella, Callix's new girlfriend, suddenly gasped as her eyes widened in shock, tagos ang tingin niya sa likuran ko.
Kumunot ang noo ko lalo na nang marinig ang komosyon malapit sa counter. Nakatalikod ako roon kaya kailangan ko pang ipalipit ang katawan ko patagilid para lang makita kung ano ang nangyayari.
Halos mapamura ako sa nasaksihan. Amanda is furious while trying to pull the strands of Muffin's long hair. Sinubukan pumagitna ni Ardleigh sa kanilang dalawa para maprotektahan ang umiiyak nang si Muffin.
What the hell just happened?!
"Tang... i...na..." Charl uttered under his breath.
Agad kaming napatayo lahat para lumapit roon. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Parang ang bilis kasi ng mga nangyari dahil kanina, maayos pa silang pumilang dalawa sa likod ng mga estudyante.
Damn it! Can you believe that?! Ardleigh is in trouble with his two fucking exes!
And I seriously don't know what to feel about that.
"Ang gwapo-gwapo kasi ni Ard. Kaya siguro hanggang ngayon, 'di pa rin maka-move on 'yang si Amanda." dinig kong bulong noong isang estudyante sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Roman pour AdolescentsMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.