Chapter: 40

2.7K 102 33
                                    

Salamat po sa lahat ng mga taong walang sawang sumusuporta at nag-aabang ng istoryang ito! Kung hindi po dahil sainyo, hindi po ako makakakuha ng inspirasyon para ipagpatuloy ang nasimulan ko.

Mahal ko po kayong lahat!

AGKTT40


"Bro... ano ba kasi talagang nangyari kanina habang wala pa ako?" I really wanted to push the topic but brother Carbon always refuse to answer my questions. Siya lang naman kasi ang nakakausap ko ng masinsinan since siya 'yong pumapangalawa sa'kin kaya... siya rin itong kinukulit ko ngayon.

Clueless talaga kasi ako kung ano at paano nangyari na napadpad sa bahay namin sina Ardleigh at Muffin kanina. I am desperate to know every detail of the story. Syempre, sa kabila ng gulong nangyari, hindi naman maiaalis sa akin na mag-alala para sa kanya.

Still and all, he became my best friend for God knows how long.

"You really don't have to know, bro. Baka pagalitan ako ni Tatay 'pag nalaman niyang may inungkat pa ako sa'yo."

Napabuntong hininga ako. "Pati ba naman 'yon ipagkakait niyo sa'kin?"

He breathed heavily, looking at me with those pair of guilty eyes.

"Ayokong masaktan ka na naman ng gagong ex mo. Believe me, the truth is something that could destroy you... and we don't want that to happen."

Tang ina. Mas lalo lang yata akong nacurious dahil doon.

"Binugbog ba siya nina kuya?" halos pabulong ko ulit tanong nang mabigyan ulit ng pagkakataon. Iniwasan ko ang mga tingin niya habang tuluyang bumabagsak ang balikat ko.

He stares at me for a quite long. Sa huli, napailing lang siya sa naging tanong ko. I know it kind of disappoints him dahil obvious namang concern pa rin ako sa kalagayan ni gago.

"Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, Chlo... baka kanina pa 'yun nakaburol."

Buong araw, pinili ko na lang ang magkulong sa kwarto ko. Umalis kasi sina Nanay at Tatay para ayusin 'yong mga papeles na kakailanganin namin paalis ng bansa. Samantalang sina kuya, bantay-sarado naman sa'kin sa bahay.

As if namang magagawa ko pang tumakas pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayong araw. Everything was already fucked up. Na kahit ano'ng tumbling o gapang ang gawin ko, hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat.

Habang nasa kwarto, hindi ko talaga mapigilan na hindi mapatangin sa bintana. Doon kasi, bubungad sa akin agad ang balcony ng kwarto niya... kung saan madalas akong nakatambay noon. Amputa lang kasi ngayon, alam ko't alam niya na malabo na ulit mangyari 'yon.

Siguro kahit silip nga lang sa bahay nila, 'di na rin pwede, e.

Kasi simula ngayon, hindi na namin pwedeng gawin ang mga bagay na nakasanayaan namin noon. Palaging may harang na.

Hindi na tulad ng dati.

"Chlorophyll. Ano na naman ba 'yan?"

Napabalikwas agad ako nang marinig ang boses ni brother Ox. Puta. Agad kong pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata ko.

"W-Wala!" mabilis kong dipensa sa sarili ko. "Napuwing lang ako pero oks na."

He sighs frustratedly at my answer. Lumapit siya sa akin, hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Tang ina kung pwede lang mag-imbento ng gamot na makakapagpalimot sa'yo ng nararamdaman mo para sa kanya, kanina ko pa ginawa."

Umiwas ako ng tingin nang maramdamang muli ang pamumuo ng mga luha ko.

"At kung pwede lang din turuan ang puso kung kanino siya pwedeng tumibok... matagal ko na ring ginawa."

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon