AGKTT09
"Uy, dude! Ikaw pala!" walang kabuhay-buhay kong tinitigan ang naka-topless na si Rad habang nagkakamot s'ya ng batok sa harapan ko, exposing his armpit.
Halatang kabubunot niya lamang mula sa kama dahil ang gulo-gulo pa ng buhok niya. "Ba't ka napadpad dito sa apartment ko?" tanong niya ulit nang hindi ako nagsalita.
Napairap ako. "Mainit sa labas, Rad. Baka gusto mong papasukin muna ako sa loob?"
"Ay s-sorry. Nabigla lang ako," then tumabi s'ya ng bahagya para makapasok ako sa loob ng apartment n'yang pagkagulo-gulo.
Pabagsak akong umupo sa couch n'ya at hindi nakatakas sa paningin ko iyon nakaipit doon sa sulok. Nakakunot ang noo ko habang kinukuha 'yon. "Tang ina, Rad. Ano 'to? T-back?" I asked as I wrinkled my nose.
Partida may naiwan pang balahibo, ah?!
"Tss. Sa girlfriend ko 'yan baliw."
"Ang dami mong kausap, eh. Alin dun sa lima?"
"Kay Aiah."
"Iyong president ng student council? Aba, akalain mo nga naman," may tinatago din pa lang pagka-wild ang isang 'yun. Kung titignan, ang amo ng mukha, e. Parang takot gumawa ng mali. Well, don't judge the book by its cover nga naman talaga.
"Teka nga... diba dapat ikaw tinatanong ko kung bakit ka napunta rito?"
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Tinataboy mo ba ako?"
"Hindi naman sa ganun, dude. E kasi, dapat na kina Ard ka ngayon diba?"
Puta. Napasok na naman sa usapan ang gagong 'yun.
"Nagsawa na ko sa pagmumukha n'ya, e." kumuha ako ng mansanas sa fruit basket na nakalagay doon sa center table n'ya atsaka kumagat. Nagdequatro ako para mas feel at home.
"Nag-away kayo no?"
Oo. Kahapon pa.
"Pumunta lang dito, nag-away na agad?" syempre deny mode ako.
'Di ko nga pinapansin kaninang pumunta s'ya samin, e. Kapal ng mukha. As in, parang hangin lang s'ya na dinadaan-daanan ko. Ilang beses n'ya nga akong nilapitan but I'm too hack off to even talk to him.
Pagkatapos ng ginawa n'ya sakin? C'mmon, man.
Manigas s'ya!
"Kilala ka na namin, dude. Kapag may problema kayo n'yang si Ardleigh, it's either dito ka pupunta sa apartment ko o sa condo ni Charl. Kina Callix naman, mababa ang probability since hindi mo kasundo 'yong kapatid n'ya."
I almost rolled my eyes. Yeah fucking right.
"Bayaan mo 'yun," umirap ako at muling kumagat sa mansanas na hawak ko.
"Ano ba nangyari?"
I shot him daggers. "Pumunta ako rito, Rad, para huminga. Hindi para tanungin mo ng kung anu-ano."
"Tatawag 'yan."
"Sabihin mo wala ako."
"Grabe. Baka ma-frustrate na naman 'yun dahil sa'yo, e."
"Wala akong pake," I snorted. "Basta kapag tumawag s'ya, sabihin mo wala ako."
Napailing-iling s'ya at bumulong-bulong kagaya ng, "Daig n'yo pa magsyota."
"Ansabe mo?" pinanlakihan ko s'ya ng mga mata ko. Nang mapansin niyang narinig ko, namutla ang gago. 'Di ka ba naman mamumutla kung tinapat ko 'tong kamao ko sa pagmumukha mo.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Novela JuvenilMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.