Chapter: 44

2.8K 101 18
                                    

AGKTT44


Sabi nila, kapag daw hindi mo na nakikita ng madalas 'yong taong mahal mo, mawawala din 'yung nararamdaman mo para sa kanya. Kasi wala na kayong kahit anong interaksyon, 'yong babangon ka na hindi siya nakakausap at matutulog ka na hindi rin siya nakakausap.

Pero tang ina... paanong nangyari na sa kabila ng mga nangyari, hindi ko pa rin magawang kontrolin ang pagtibok ng mabilis ng puso ko kapag nar'yan na siya sa harapan ko?

Ang bobo mo talaga kahit kailan, Roro.

Hindi ka siga. Bobo ka.

"Wala ka na ba talagang balak na kausapin ako, Mae?" aniya matapos kong manahimik. Hindi ko na rin yata alam kung ilang minuto na kaming nakatayo roon na hindi ako kumikibo.

Ewan ko. Naubusan na rin ako ng salita.

Wala na rin akong alam sabihin sa kanya.

"Alam mo sa sarili mo kung ano 'yong sagot ko r'yan." lakas-loob kong tugon sa kanya.

Dinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga pagkatapos non. He shook his head lightly... na parang 'yong pag-asang namumuo sa isipan niya ay unti-unti na ring naglalaho.

"Hindi mo man lang ba pakikinggan ang paliwanag ko?"

"What for? I don't think it'll make any difference," bigo kong ipinilig ang ulo ko. "Magpaliwanag ka man o hindi, tanggapin na lang natin na dahil sa kagaguhan mo, hindi na natin mababalik pa 'yung kung ano mang meron tayo noon."

"Mae naman..."

Marahas ko siyang tinitigan. "Ano na naman?"

Ano? Matapos niyang manggago ngayon iiyak-iyak siya? Ampota talaga.

Ang hirap niyang intindihin.

"Pwede ba, Ardleigh! 'Wag mo akong maartehan ng ganyan! Ikaw ang nag-umpisa ng lahat ng 'to kaya tang ina ka, panindigan mo naman!" pumikit ako ng mariin at nagdesisyong iwan na siya roon.

Wala naman ding patutunguhan iyong pag-uusap namin.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay ramdam ko na agad ang pagpalupot ulit ng kamay niya sa braso ko. I fucking hate the fact that he still has the same effect on me. Iyong pakiramdam na kapag nadidikit ang balat ko sa kanya, para pa rin akong kinukuryente.

"Akala ko... a-akala ko kasi magiging masaya ako." aniya, hindi makatingin ng diretso sa akin. Puta, walang bayag.

I tried to shoot him a glance, nakayuko na siya ngayon at kitang-kita ko kung paano magsilabasan ang panibagong mga luha mula sa mga mata niya.

Tang ina talaga.

Huminga ako ng maluwag at sabay na tinignan ang kalangitan. Kailangan ko munang kumalma... hindi pwedeng magpadala na naman ako sa mga emosyon ko.

Hindi pwedeng makuha na naman niya ang loob ko.

"Tama na, Ard... Sinira mo na 'yong tiwala ko, e. Mahirap ng ibalik 'yun."

Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon, ramdam ko ang dahan-dahang pagluwang ng pagkakahawak niya sa akin. I knew those words hurt him. So bad.

I immediately hide the pain that probably crossed my eyes the moment I saw his reaction. Inamo ka, Roro. Ikaw na nga 'tong sinaktan n'ya, ikaw pa 'tong nakokonsensya?!

"Kahit patawarin mo na lang ako, Mae... Kahit ayon na lang."

Gusto ko mang sumang-ayon, hindi ko magawa. Masakit pa kasi. Hindi naman ganoon kadali na kalimutan lahat ng ginawa niya. Siguro nga mapapatawad ko rin siya pero sana maintindihan niya rin na hindi muna ngayon... dahil hindi ko pa kaya.

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon