AGKTT10
Sinadya ko talaga na agahan ang pag-alis ko sa bahay para 'di ko makasalubungan si Ardleigh sa daan. Nag-alarm pa talaga para makasiguro na hindi ako ma-late ng gising. At which, it only happens once in a lifetime. Kilala ko kasi ang kumag na 'yun. Kapag nakita n'ya ako, hindi s'ya titigil hangga't 'di n'ya ako napapasakay kay Meleigh.
E, ayoko nga.
Tapos ano? Isang sorry at suyo n'ya lang, tingin n'ya okay na kami agad? Neknek niya. 'Wag n'ya nga akong masali-sali sa mga taong napipikot n'ya sa mga simpleng paraan lang. I'm not that kind of girl na deads sa kanya, no. Gaguhin n'ya sarili n'ya.
Baka nakakalimutan niyang parehas lang kaming lalaki?
Anyway, I used my mountain bike papuntang St. Benilde— okay, this bike was a present from him. Medyo malapit lang naman 'yun kaya 'di ako masyadong pinagpawisan. Mga half an hour away.
Gusto ko nga sanang hiramin 'yong motorbike ni brother Oxygen para mas mabilis kaya lang, nandun si Nanay. Edi sasabog na naman ang bahay namin sa mga tahol n'ya kung sakaling nagpa-alam ako?
"Oh, Roro. Buti 'di ka nakasakay sa sasakyan ni Sir Ardleigh ngayon?" usisa ni Kuya Pits, isa sa mga tropa ko na bodyguard dito sa school.
Tinap ko na 'yong ID ko sa identification machine. "Gusto ko lang i-exercise mga paa ko ngayon, Kuya." ulol mo, Roro.
Natawa s'ya kaya kumunot ang noo ko. Sa pagkaka-alam ko kasi, 'di naman joke 'yung sinagot ko. Kasinungalingan lang. "Talaga ba? Akala ko may LQ kayong dalawa, e."
My brows automatically arched.
Nice one, Kuya Pepito.
"Trying hard ka magpa-kilabot, Kuya, hah."
"Naku naman, Roro. Ba't mo ba kasi pilit dinedeny 'yang si Sir Arldeigh? Kay gwapong bata, aba. Matalino. Sikat at mayaman pa! E, 'yung anak ko nga, crush na crush 'yon."
Gusto kong magkamot ng batok dahil sa kwento niya.
"Lamig lang 'yan, Kuya. Una na po ako." hilaw ko siyang nginitian at ipinagpatuloy na ang paglalakad.
Umagang-umaga wala ako sa mood, tang inang 'yan.
Hinatak ko na lang 'yong bike ko papasok sa loob since mahirap makipagsiksikan sa mga SUVs na kasabayan ko. Oo, man. Kapag ang sasakyan o sundo mo rito sedan lang, tingin na ng mga estudyante sa'yo, poorita.
Mga judgemental, diba? Kala mo naman batayan ang mga sasakyan sa yaman ng isang tao.
Ba't ako? Galing din naman ako may kayang pamilya pero bike lang gamit ko ngayon. Problema kasi masyadong pa-RK ang mga tao rito, e. Kulang na lang ibalandra na sa pagmumukha mo 'yong mga latest iPhones and iPads nila. As if namang may pake ako. Bakit? Sa mga mamahaling gadgets bang 'yun, magkakabayag ako?
Hindi. Ampota.
Habang naghahanap ako ng pwede kong mapaglagyan nitong bike ko, may isang kulay itim na limousine ang biglang tumapat sakin. Bumaba iyong isang windshield at halos mawindang ako nang makita ko ang pagmumukha ni pusit— este ni Martha. Nakangisi s'ya sakin ng malapad at the same time, tinitignan n'ya ako na para bang ako na ang pinaka-dukhang taong nakita n'ya.
"Naghihirap na ba kayo, Roro?"
Napataas ang kilay ko.
"Bakit? Close ba tayo para sagutin ko tanong mo?" I asked her sarcastically.
As usual, she just glared at me and push out her lips.
"It's good to see naman na you're not with my babylove today. Nakakasawa kasi kalandian mo."
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Teen FictionMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.