AGKTT22
The next day is a hell day, man. Banas na banas ako kay Charl dahil hindi talaga ako tinantanan ng mga mapanlokong tingin niya. I tried to ask him what the fuck is going on, pero isang tumataginting na iling lang ang tanging naisasagot niya sakin.
Apparently, 'di ko alam kung ano bang nais iparating ng gagong 'yun. Para kasing may alam siya tungkol sakin na hindi dapat malaman ng iba.
Letche.
"Cutiepie sunduin kita mamaya sa inyo, no?"
And fuck. Isa pa 'tong walis na 'to. Nagpupumilit na isama ako sa family gathering nila e tang ina sinabi ko ngang ayoko.
"Ba't hindi na lang aso ko 'yong dalhin mo?" aba, pagdating sa mga ganyang event maaasahan mo naman si Porkchop no. Kegwapo-gwapong aso choosy pa ba s'ya?
"Maevis, I'm serious."
Napataas ako ng kilay. "Bakit? Mukha ba akong nagbibiro?"
Kitang-kita ko ang agarang pagbagsak ng mga balikat niya.
"Please... kahit saglit lang naman tayo. Gusto ka lang talaga makilala ng pamilya ko... at ng kapatid ko."
Parang gusto kong mapairap nang marinig ang huling sentensiya niya. Ayan na naman. Nadawit na naman sa usapan iyong kapatid n'yang may sakit daw.
Totoo ba talaga 'yun?
"Ano na lang sasabihin ng pamilya mo kapag nagdala ka ng babaeng titibo-tibo sa bahay niyo?" ako ang nag-cringe para sa kanya. "Sinasabi ko sa'yo, Broom... magdadala ka lang ng kahihiyan."
"That's the thrill, Maevis. Don't you find the logic? Kaya ikaw ang pinili ko kasi alam kong magugustuhan ka nila sa katauhang meron ka,"
"Wow. Sa ganto ka-cheap na personality? I doubt. Mapapahiya lang kita."
"I don't care kung magsuot ka pa ng cap roon. O ng maluwang na shirt at jersey shorts. As long as alam kong komportable ka, doon ako. Besides, mabait ang pamilya ko... kaya tatanggapin ka nila kahit na ano o sino ka pa,"
"Broom, teka i-chill mo lang," I tried to cut him off. Masyado na akong nao-overwhelm sa mga sinasabi niya. "Maawa ka naman sa'kin, oh. Kailan ba natin tatapusin ang pagpapanggap kong 'to?"
"Maevis..." he looked at me with those pleading fucking eyes.
"Ano?" inis kong tanong sa kanya.
"P-Pwede bang hanggang isang buwan pa?"
Tang ina. Isang buwan pa?!
"I swear to you! Kapag tapos na ang isang buwan, hinding-hindi na kita guguluhin pa!" agad niyang bawi nang makita ang matinding pag-tutol na gumuhit sa mukha ko.
"Fuck..." hinilot ko ang sentido ko. Isipin mong mabuti. Isang buwan lang 'yan, Roro. Pagkatapos n'on, malaya ka na.
Tapos na. Pwede ka nang huminga at mababawasan na ang mga iniisip mo.
Tumingala ako para magtama ang mga mata namin. His eyes were still damn pleading at me. Napabuntong hininga na lang ako at matigas na isinatinig ang salitang, "Oo na!"
Pagkatapos ng klase ko sa hapon, pinagpaalam ko muna kay Ardleigh ang gagawin ko ngayong gabi. At ano pa bang aasahan niyo? Mahabang diskusyon na naman ang nangyari. Noong una, ayaw niya talaga kasi baka raw mapahamak ako. Kesyo ganyan, kesyo ganito.
Pumayag lang siya nang sabihin kong i-uupdate ko naman siya oras-oras. Feeling jowa, ampota.
Sa bahay naman, wala namang umangal sa mga kapatid ko. Si Tatay, kagaya ng dati, tahimik lang na tumango at sinabing 'wag lang daw ako masyadong magpapagabi. Pero si Nanay, ayun, siya may pinakamaraming habilin. Sinermunan pa ako e papayagan din naman pala ako sa bandang huli.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Dla nastolatkówMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.