Chapter: 01

13.7K 274 63
                                    

AGKTT01


Kahit ako'y titibo-tibo

Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang at ako ay

tinatablan

At ang aking pagkababae ay

nabubuhayan

Automatic na napairap ako nang marinig na naman ang kantang 'yon dito sa kotse ng pare kong si Ardleigh. Kahit saan-saan ko na naririnig, actually. Sa school man 'yan, sa may tindahan, sa may kanto namin, o sa mall.

Sawang-sawa na nga mga tenga ko. Araw-araw na lang, e. 'Di ko alam pero talagang nabubwisit ako kapag on track na ang kantang 'to. Hindi naman sa pagiging killjoy pero para sa akin, may pagka-corny kasi ang mga lyrics. Kahit na 'yung iba e patok na patok sa kanila 'yung pagkaka-compose ng kanta.

Saan ka ba makakakita na titibo-tibo tapos naging babae dahil may nakilala lang na lalaki? Sus. 'Di na uso 'yun ngayon. Dahil ang mga tunay na tibong kagaya ko, hindi bumibigay sa titi.

Mas gusto ko pa ngang marinig tilaok ng manok kaysa sa kantang 'yan. Nakakabad vibes masyado.

"I-next mo na nga. Hilig mo sa mga baduy na kanta kingina mo." nagdequatro ako at humalukipkip.

Heto lang ayaw ko sa pesteng uniform na 'to. Ang iksi ng palda! Kulang na lang ipakita na pati cycling shorts na suot ko sa mga tao. Nakakapagtaka lang dahil halos lahat ng babaeng nag-aaral sa St. Benilde, may contest pa yata sa paiklian ng palda e ang ikli-ikli na nga.

Labag man sa loob ko na magsuot ng ganto, ang mudra at pudra ko e halos ibigti na ako sa ceiling ng bahay namin nung nagtry ako magsuot ng slacks tapos napatawag sila sa guidance office. Kaya ayun. Tang ina as if meron pa akong ibang choice. Sayang naman ang ganda kong lalake kung sakali mang mawala na ako sa mundong ito.

Tumaas ang isang kilay ni Ard so I rolled my eyes at him. Naiirita ako. Mas maganda pa kilay n'ya sakin, akalain mo 'yun?

"C'mmon, pards. Don't be such a grinch! Lahat ng tao gusto ang kantang 'to. Kaya nga uso, diba?"

"E, anong tawag mo sa'kin kung ganon?" pinanlakihan ko s'ya ng mga mata ko.

He shrugged his shoulders. Tang ina, man. Litaw na naman ang dimples ng gago. "Hater lesbi," sagot n'yang may pataas-baba pa ng kilay.

Na para bang bulaklak na

namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at

katamtamang

Sikat ng araw-araw mong pag-ibig

Sa'king buhay nagpapasarap

At dahil pinaglihi 'to sa baligtad na utak, talagang nilakasan niya pa iyong volume ng stereo niya.

Padarag kong kinuha 'yong tee shirt n'ya sa dashboard ni Meleigh, as in, ipinangalan naming dalawa sa sasakyan n'yang Lexus. Ipinantakip ko 'yon sa magkabilaan kong tenga pero letche, nanunuot iyong bango sa ilong ko.

"Itigil mo na nga kasi 'yan, ano ba! Ang aga-aga pinagdedate mo na naman mga kilay ko!" my eyes narrowed once again.

He has known exactly how to push my buttons!

"Pards naman, pwede naman kasing tayo na lang ang magdate kaysa d'yan sa mga kilay mo, e," he smiled playfully this time, like he won this round of teasing and he knew it. "'Pag ako dinate mo, mawawala 'yang pagkalalake mo."

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon