Chapter: 06

4.7K 157 12
                                    

AGKTT06


Petmalu.

Iyon lang ang tanging masasabi ko nang makita ko ang kalagayan ni Broom the following day. May cast s'ya sa kamay, cut sa lips, maraming ragged wounds sa katawan n'ya at hindi s'ya makalakad ng maayos.

Tang ina. Anong nangyari dito? Sa pagkakaalam ko kasi, pisngi at mga bayag n'ya lang naman ang pinuntirya ko noong nakaraang araw. Pero how come na may mga sugat s'ya sa iba't ibang parte ng katawan n'ya?

"Pards, nakita mo 'yun?" turo ko sa natarantang si Broom when he caught us marching athwart his direction.

Hindi ko alam kung natatae lang ba s'ya or ano pero bigla s'yang bumalik sa pinanggalingan n'ya kanina. Weird. Sa reaksyon n'ya, parang nakakita s'ya ng dromaeosaurids na handa na s'yang kainin at archaeopteryx na handa na s'yang tuka-tukain. Grabe lang.

"Saan?" takhang tanong ni Ardleigh habang pilit na hinahanap ang itinuro ko. Putcha nakadagan pa niyan kamay n'ya paikot sa balikat ko kaya ang bigat. Ilang kilo kaya mga muscles nito sa katawan?

"Si walis. Nakita lang tayo biglang umatras, e."

"Malamang, natakot sa'kin, e," bulong n'ya kaya kinunot ko ang noo ko. "Seriously, Mae. That ass has no balls. Kala mo kung sinong siga pero isang suntok lang pala, taob na."

"Ansabe mo?"

Nagkibit balikat s'ya. "Sabi ko walang pwedeng manakit o bumastos sa'yo. Ako makakalaban nila."

Kumunot ang noo ko sa naging litanya niya. Huminto ako sa paglalakad kaya awtomatikong napahinto rin siya non. That gave me an idea! Don't tell me s'ya ang may gawa nun kay Broom?! "Kaya ka ba bumalik ng St. Benilde noon para bugbugin ang isang 'yon?"

"That's my work, Mae."

I almost growl at him. "What kind of shit of a work is that?"

"Chastening those motherfucking dirtbags who tried to hit you,"

***

"Chloromorooo! Sino kasabay mo mag-lunch ngayon?" sigaw ni bading habang papalabas na ako ng room. Isinakbit ko ang isang strap ng bag ko sa balikat at inayos ang pagkakalagay ng cap ko sa ulo.

"Kung balak mong makisabay sa'kin dahil kasama ko si Ardleigh, inuunahan na kita sa kalandian mo. Hindi s'ya makakasabay ngayon dahil kasama n'ya 'yong teammates n'ya," inirapan ko s'ya.

When I shifted my glance at him, I can't help but to scan him from head to toe. Harot talaga ng Ricardong 'to. May suot ba namang headband na may malaking bulaklak sa gitna? Tapos ang kapal-kapal pa ng lipstick. Parang sinuntok lang ng sumo wrestler.

"Ano ka ba! Ganyan ba talaga tingin mo sa akin? I'm with Papa Ken kaya! Sasabay kami sa'yo! Dibaaaa, Papa Ken?" tapos bigla-bigla n'yang hinila ang kalalabas lang na si Ken. Ang ingay-ingay talaga ng baklang 'to. "Perfect!"

"Bahala nga kayo," tapos tinalikuran ko na sila at nauna na sa café.

Kaso ayun, sinundan din pala nila ako hanggang don.

"Dude, ako na magbabayad ng pagkain mo," singit ni Ken nang makita na akong nagbubunot ng pera mula sa wallet ko.

I shrug my shoulders and let him pay. Aba, alamgan namang tanggihan ko e libre nga daw. Kung sinuswerte ka nga naman! May proxy pala itong si Ardleigh sa paggagastos ng lunch ko, e. At least hindi nabawasan allowance ko diba!

Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon