AGKTT54
"Grabe ka, de Guzman!" I commented as our lips finally parted away. "Kanino ka natutong mangagat, ha?! Ano ka?! Si Porkchop?!"
Hinawakan ko ang ibabang parte ng labi ko. I felt it sore because he just bit it for how many times. Parang namaga pa nga yata. Pero tang ina...
I can't lie! He's such a damn good kisser!
"I've been dreaming of your lips since God knows when," he chuckled then shrugged his shoulders playfully. "And tonight, you just made my dream come true."
Napailing na lang ako sa inihayag niya. Parang dati lang nandidiri ako sa mga ganung klaseng halik na napapanood ko sa mga teleserye. Pero ngayon... gago ginagawa na namin.
At hinahayaan ko lang siyang kagat-kagatin ako.
"Namaga yata bibig ko, hayup ka!"
"Halika gamutin namin."
Kumunot ang noo kaya mas lalong lumaki 'yong ngisi niya. "Ano? Hihigupin mo na naman?"
"Ang dumi ng isip mo, pards,"
I darted him a glare while his smirk grew wider. "Sino'ng hindi dudumi ang isip pagkatapos ma-murder ang bibig niya?!"
Humalagapak na siya ng tawa pagkatapos kong ireklamo 'yon. Bawat kibot ng bibig niya, litaw na litaw na agad 'yong dimples niyang bagay na bagay sa hugis ng kanyang mukha. Ang saya niyang tignan.
Ang gwapo niyang tignan.
No wonder why girls drool over him, huh?
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Ang daming putahe na nakahapag kaya nahirapan ako sa pagpili ng unang kakainin. Silang dalawa raw ni Tita Isabelle ang nagluto nito kanina. No doubt kung bakit itsura pa lang, mukhang masarap na.
Alam kong medyo nakaka-cringe pakinggan pero sa buong oras na kumakain kami, hindi talaga siya nagsawang subuan ako. Hindi rin naman ako nagsawang pagbigyan siya sa gusto niya. What matters the most is that we're both happy of what we are doing. Masaya siya, nakikita ko. At dahil doon, masaya na rin ako.
Everyone knows that I'm not fond of doing sweet things with other people... but when it comes to him, madali kong nakakakain ang mga salita ko.
"Nabusog ka ba?"
I wipe my lips using a table napkin. Ngumiti ako at tinaas ang hinlalaki. "Kailan ba'ko hindi nabusog sa luto niyo ni Tita?"
"That's good to know, baby,"
Baby...
Whooo. Tang ina, sino'ng maangas?!
"Can we dance?"
Kumalabog ang puso ko sa biglaang alok niya. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa tinawag niya sa akin pero narinig ko na ang instrumental music ng kantang Perfect ni Ed Sheeran. Putang ina talaga. Sino bang hindi kikiligin dito?!
Agaran siyang tumayo sa kinauupuan niya para puntahan ako. He bended his right knee and outstretch his hand. Ngumuso ako para mapigilan ang isang panibagong ngiti bago tuluyang tinanggap ang kanyang kamay. My cheeks burned for the nth tine just because of that simple action.
As soon as we're standing in the middle of the heart-shaped petals, I slowly wrap my hands around his neck while he puts his on my waist. Seconds later, we started swaying.
Damn.
Being this close to him feels so right.
"I promise not to give you up this time, Mae..." he whispered, his forehead was softly resting on mine. "We will fight our battles together and I swear... no one could ever stop us again."
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
Teen FictionMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.