AGKTT49
"Gago ka talaga e no?" halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses dahil punong-puno na ng samu't saring emosyon iyon. Hirap na hirap na rin akong huminga habang nakatitig pa rin sa kanya. "Ang tagal na panahon kong gustong marinig sa'yo 'yon... tapos ngayong nalaman kong may pamilya ka na... saka mo pa lang sasabihin?"
Tang ina. Hindi ko na rin alam kung ano ba 'yong dapat kong maramdaman.
"I don't know, Mae..." I heard him whisper and at this point, frustration was also evident on his face. "When I lost you... that's the time I realized it's so hard to live without you... Walang araw na hindi kita hinanap, o hindi ka pumasok sa isipan ko. Kaya kahit na alam kong bugbog lang ang matatamo ko kapag pinuntahan kita sa inyo, tinanggap ko lahat ng 'yon... Hinarap ko lahat. Basta bigyan lang nila ako ng pagkakataon na makausap ka... o masabi man lang lahat ng nararamdaman ko sa'yo."
He paused for a while. Hinanap niyang muli ang mga mata ko. At nang magtama ang paningin naming dalawa, pakiramdam ko... nawalan na naman ako ng lakas.
"Kaya oo, Mae. Tang ina, tama ka... Ang gago ko kasi hinayaan kong magdusa ang babaeng pinaka-iingitan ko simula pa noon."
I stared at him with awful tears in my eyes.
"Sana kasi, Ard... Hindi na lang natin sinubukan, e. Sana hindi ko na lang inamin sa'yo ang nararamdaman ko. Sana hindi na lang tayo lumagpas sa linya... edi sana..." I bit my lip when my voice croaked for the nth time. "S-Sana masaya tayo ngayon... tang ina sana hindi tayo nasasaktan at nahihirapan. At sana... madali lang tanggapin para sa'kin na may pamilya ka na."
Na hindi na tayo pwede.
Putang ina.
"I don't have any regrets at all," he said determinably. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil doon. "Noong maging tayo, doon ko ulit naramdaman kung paano kasaya ang mamuhay. I have also learned a lot from you, Mae. Believe it or not, you taught me how to love better... you taught me things that I wouldn't know if we didn't cross the borders... or if we never try."
Ba't ang dali para sa kanyang sabihin na aral lang ang lahat? Na okay lang na nasaktan kami, ang importante, may aral kaming napulot?
Fuck. Screw lessons if it also means I would lost the man I love the most!
"Ganoon lang ba talaga ako para sa'yo, Ardleigh? Aral?"
Kitang-kita ko ang pag-awang ng kanyang bibig. Parang gatilyo ng baril na biglaang kinalabit, humangos ako at tinitigan siya nang nagpupuyos sa galit. Sinuntok ko ang dibdib n'ya, dahilan kung bakit siya bahagyang napaatras.
"You, fucking asshole!" I screamed from the top of my lungs. Muli na namang nagsilabasan ang panibagong luha sa mga mata ko. "Ano'ng gusto mong sabihin sa akin?! Na ayos lang na masaktan?! Na ayos lang na ginago mo ako kasi natuto ka?! Gago! Sige nga! Ituro mo sa'kin lahat ng putang inang lesson na 'yan nang ma-apply ko naman sa sarili ko! Palibhasa kasi hindi ikaw ang iniwan sa ere! Hindi ikaw nasaktan ng lubusan! Hindi ikaw ang niloko kaya parang wala lang sa'yo ang lahat!"
Tinuro ko ang sarili ko, "Ako 'yun, Ardleigh! Tang ina mo! Ako 'yung na-dehado rito!"
Sakit ang bumalot sa mga mata n'ya. Umigting ang panga ko sa nakitang 'yon. Best actor din talaga ang hayop na 'to.
"Mae... can you please calm down? We won't resolve this if you keep on shouting like that," and fuck, he even had the guts to give me some orders.
Ang kapal din naman talaga ng pagmumukha niya. Pero osige. Kung ganon ang gusto niya para maniwalang totoo ako sa sinasabi ko, pagbibigyan ko siya.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Titibo-tibo (Completed)
TienerfictieMeet Maevis Chlorophyll Mendoza, ang titibo-tibong best friend ng isang ultimate heartthrob at sikat na basketbolistang si Ardleigh de Guzman.