Chapter 2

8K 101 2
                                    

LISA'S POV

Nakahiga na ako ngayon sa bed ko. And I'm thinking if I should text Jennie or what. Kinuha ko ang number nya kanina if in case di kami magkasalubong bukas sa school text ko na lang sya kung asan sya.

Hi, Jennie! Lisa here. I hope I made you feel uhm somehow okay this day. See you tomorrow. Good night :)
sent 9:48pm

Isang minuto lang ay tumunog na ang phone ko mabilis ko naman tinignan. I received a reply from her.

Hi, Lisa. You actually did. Thank you. I don't know how to pay you for that.
received 9:49pm

Napangiti naman ako sa reply nya. So ibig sabihin kahit papano ay naging okay na sya dahil sakin.

You don't have to. Seeing you smile is more than enough. Smile more often, okay?
sent 9:49pm

Ang bilis ko ba magreply? Sige sabihin nyo 'sana all' hahahaha

Aww. Thank you. I think those words are not enough. But yeah, thank you bigtime. See you tomorrow. Have a good night.
received 9:50pm

Parang mas lumawak pa ang ngiti ko sa mukha. Nagreply na ako agad para makatulog na dahil excited akong pumasok bukas.

Good night, Jennie.
sent 9:51pm

------------

I quickly did my morning routine. Nung prepared na akong umalis chineck ko lang ang apartment ko if good to go na ako. If nakasara ang mga bintana, naka off mga ilaw, na unplugged na mga kung ano ano. And nung nacheck kong okay na lumabas na ako, pumasok sa sasakyan ko at nagdrive na papuntang school.

Dinaanan ko ang building ng HRM department and sinilip silip kung andun na ba si Jennie kaso ni anino nya di ko nakita. Kaya dumiretso na ako sa building namin at pumasok na sa room for first class.

"Uy bes" malakas na sabi ng tao sa likuran ko. Alam kong si Cindy yun at ako ang tinatawag.

"Bes. Di ako ulit makakasabay sayo mamaya na mag lunch ha." sabi ko naman at umupo na sa pwesto ko habang nakatingala na nakatingin sakanya dahil nakatayo pa rin sya.

"San ka na naman pupunta Lisa. Last time na naging ganyan ka ay nung time na nakilala mo si Rosé." tuloy tuloy na sabi nya habang naka crossed arms pa. Yung ex girlfriend ko lang naman ang tinutukoy nya. Yung ex ko na nanakit sakin nang sobra.

First year second semester nung nakilala ko si Rosé. I had a boyfriend back in high school. I was as straight as a ruler not until I met Rosé. Sobrang ganda nya kaya siguro nabaluktot ang pagkastraight ko. But more than that, simple lang sya, walang arte. Sobrang takaw kaya nakakapagtaka na nga rin minsan kung bakit di sya tumataba. Walang pakialam sa itsura nya pag kumakain basta subo lang sya nang subo pag maraming pagkain sa harap nya. Yun ang pinaka nagustuhan ko sa kanya. Kaso dumating yung time na nawala na ang pagmamahal nya sakin. Higit isang taon din kami. She broke up with me saying that she already fell out of love. Or maybe, she just fell in love with someone else. Because after a week or two, she's already in a relationship with someone I dunno who. I don't have time to know, masyadong masakit.

Since then, I built a wall to guard my heart. Guys and gals are trying to pursue me but I don't let anyone of them. Nakakatakot na magmahal ulit. Nakakatakot na masaktan ulit. Nakakatakot na yung ganung sakit. That kind of pain that will make you numb. That kind of pain that will not let you eat. That kind of pain that will not let you have enough sleep. That kind of pain that will zone you out every time. That kind of pain that will make you go crazy. Shit.

Kinapa ko yung puso ko. Wala na yung pain na yun dahil kay Rosé. Pero yung takot nandito pa rin. Yung takot na masaktan ulit nandito pa rin. Ngayon na nakilala ko si Jennie, wala mang kasiguraduhan yung saming dalawa pero kung sakali alam ko sa sarili ko that I'm willing to take risk. I'm willing to get hurt again. I'm willing to destroy the wall I've built. Because I know that she's worth it. Worthy of all the pain after all.

"Earth to Lisa" sabi ni Cindy na may kasama pang palo sa braso ko.

"Kasama ko ulit mag lunch mamaya yung kasama ko kahapon. Don't worry. I will not get hurt this time." sabi ko sa kanya na may pilit na ngiti dahil wala namang kasiguraduhan na hindi ako masasaktan.

Mabilis na natapos ang mga klase namin. Bago pa lumabas sa room para pumunta sa cafeteria ay kinuha ko ang phone ko para itext si Jennie.

Jennie, asan ka? Nasa cafeteria ka na ba?
sent 11:43am

Hihintayin ko pa sana ang reply nya bago lumabas sa room kaso ang tagal eh. Kaya lumabas na ako at pumuntang cafeteria baka kasi nandun na sya. Pagkarating ko dun inilibot ko ang paningin ko kaso walang bakas ni anino nya ang nandito.

Nag-aalala na ako wala na rin kasi akong natanggap na text mula sa kanya kagabi at wala rin sya kanina sa building nila the fact na anong oras na rin yun nung dumating ako sa school.

Tumunog ang phone ko umaasa na sya na ang nagtext. Nawala naman ang kaba ko nung nakita na sya nga ang nag text.

Nandito ako sa likod ng engineering building
received 11:58am

Lakad takbo naman akong pumunta, iniisip kung ano ang ginagawa nya doon. Wala kasing nagagawi na tao sa bandang yun. Isa lang ang ibig sabihin kung pupunta ka dun. May problema ka at gusto mong mapag-isa. So probably namomroblema sya ngayon.

Hingal akong nakarating at nakita ang malungkot nyang mukha. Bakas sa mukha ang pagod dahil sa pag-iyak. Mugto ang mga mata.

"Eyy. You fine?" malungkot na tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi nya. Nasasaktan ako na makita syang ganto.

"Hindi ko na alam, Lisa. I'm already tired. I'm tired of this pain I am feeling. I'm already tired crying. Ayoko nang umiyak but I just can't stop it. The moment I feel the pain here" tinuro nya ang puso nya at pinagpatuloy ang pagsasalita "parang may sariling buhay ang mga mata ko. I cry unconsciously. I cry even tho I don't want to. Fuck this pain." kita ko sa mga mata nya yung sakit. Patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha nya. Gusto kong itanong kung bakit sya nasasaktan ngayon but I don't want to interrupt her. I want her to vent out first.

"I hate this shitty pain that I feel like I can't move. That makes your mouth hate to swallow any food. That every time I go to bed I just want to sleep and don't want to wake up again. I just want to be dead to not feel anything. This pain makes me suffer physically. Makes me so weak. But I think that physical pain is somehow bearable. What I cannot bear anymore is the emotional pain. It makes me feel like I can't breathe. Maybe I'm really unworthy to deserve this kind of pain." she is now sobbing. Crying really hard that made me hug her.

Nasasaktan ako na makita syang ganto. Mugto ang mata, kinakain ng kalungkutan, ng sakit. Nasasaktan ako dahil parang alam ko na ang dahilan bakit sya nasasaktan nang ganito. Dahil pamilyar sa akin yung sakit na binabanggit nya. Nasasaktan ako dahil alam ko kung gaano kahirap ang ganung pakiramdam. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Go and cry it out. I'm just here. I will not leave you." Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya and I'm caressing her back. "Care to share the reason of that pain? But if you're not yet ready to tell me it's fine, okay? No pressure."

Kumalas naman sya sa pagkakayakap tapos ay tumayo. Mabilis na pinunasan ang mukha na basang basa ng luha.

"Kwento ko sayo. Pero tara labas tayo ng school dalhin mo ako kahit saan."

Tumayo naman ako kaagad at hinawakan ang kanyang kamay. Pumunta kami sa parking area at sumakay na sa sasakyan ko.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon