Chapter 25

5K 64 13
                                    

LISA'S POV

Wala na bang mas boring pa dito sa ilang oras kong pag ddrive pauwing Pampanga? Hayst. Yep, Christmas vacation na. Week before mag resume ang classes na ulit ang balik ko sa Manila.

Nasa bandang Bulacan pa lang yata ako. Medyo malayo pa at matagal tagal na pagddrive pa 'to kaya nakapagdecide ako na magplay ng music. Kaya tinurn on ko ang radio.

Binibilang ang hakbang, hanggang wala ka na
Nagbabakasakaling lilingon ka pa
Hindi na ba mababalik ang mga sandali
Mga panahong may lalim pa ang 'yong ngiti

Bakit ka nag-iba?
Meron na bang iba?

Napataas ang isa kong kilay dahil sa lyrics ng kanta. "Meron! Gago. Simula pa lang meron ng iba!" inis kong sabi.

Great. Mag-isa akong nagsasalita.

Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis

Napabuntong hininga na lang ako at inilipat dahil nakakainis lang yung kanta!!

I want you to want me to stay
Where did we go wrong? I know we started out alright
Where did we go wrong? I swear I knew we'd last this time
Where did we go wrong? Oh did you, did you change your mind?
How could you change your mind?
Who got inside your mind?

"Gago ba kayo!?" inis kong sabi at hinampas ang manibela pagkatapos ay tinurn off na ang radio. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang sa sobrang boring na atmosphere kesa ang mga kantang yun ang papatay sakin. Nakakagago ang mga lyrics.

Ang unfair talaga ng buhay. Wala naman akong ibang ginusto kung hindi pasayahin sya pero kapalit pala nun ay kalungkutan ko. Siguro sobrang saya nya ngayon habang ako sobrang nasasaktan. Sa sobrang sakit nga pakiramdam ko namamanhid na ako.

------

Malapit na akong makarating sa amin. Palinga linga ako sa dinadaanan ko. Hay. Namiss ko ang lugar na 'to. Pati ang mga tao, lalo na sina Mama syempre.

Bumusina ako pagkarating ko sa tapat ng bahay namin at inihinto ang sasakyan sa may gilid. Iniluwa naman kaagad ng gate sina mama at papa kaya mabilis na akong lumabas sa sasakyan para puntahan sila at yakapin.

"Mukhang lalong gumaganda 'tong anak ko" nakangiting sabi ni papa habang ginugulo gulo ang aking buhok pagkatapos nila akong yakapin.

"Malamang dahil mana sa akin yan" sabat naman ni mama

"Naku. Parang hindi naman." pang aasar na sabi ni papa habang umiiling iling pa hahahaha ang kulit talaga nila. Ito yung lalo kong namimiss sa kanila pag nasa Manila ako eh.

"Ewan ko sayo. Tara na nga sa loob." hinampas nya sa braso si papa tsaka na naunang naglakad sa loob.

Sumunod na rin kami ni papa. Inakbayan nya ako habang naglalakad kami "Kamusta naman ang dalaga na binata kong anak?" natatawa nyang tanong habang nakatingin sa akin.

"Pa naman" tsaka ko na lang sya tinignan nang masama. Mana talaga ako dito eh. Mahilig mang asar.

"Anak, pupunta raw dito mamaya ang pinsan mong si Miguel. Nabalitaan kasi nyang uuwi ka. Yayain ka raw nyang mamasyal." bungad ni mama sa akin. Napangiti naman ako. Sakto dahil miss na miss ko na ang lugar namin. Sobrang simple lang ng pamumuhay dito. Sa katunayan, konting lakad lang mapupunta ka na sa may bukid tapos meron ding sapa roon.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon