Chapter 35

5.6K 70 1
                                    

JENNIE'S POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana habang yakap-yakap ang isang unan. Hayst. Unan na lang ang kayakap ko? Natulog ako na si Lisa ang kayakap ih.

Tumayo ako nang nakabusangot para lumabas na sa room namin ni Lisa. Nakakainis kasi. Tsaka dahil na rin gutom na ako.

Pagkabukas ko ng pinto napahawak na lang ako sa dibdib dahil sa pagkagulat.

Bigla na lang kasing may pumutok na part popper habang naghihiyawan ang buong barkada. May mga hawak pa silang lobo. Okay, nakalimutan kong January 16 na nga pala ngayon at birthday ko na HAHAHA. Nakalimutan ko na dahil sa sobrang daming nangyayari.

Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday
Happy birthday
Happy birthday to you

Habang sabay sabay sila sa pagkanta may hinahanap ang mga mata ko na isang partikular na tao. Pero kahit saan ako bumaling hindi ko sya mahagilap. Dahil dito alam kong nawala yung matamis kong ngiti kanina.

"Ano ba yan. Birthday na birthday mo tapos ganyan ang mukha mo." Sabi ni Beatriz.

Hindi ako kumibo pero alam kong alam nila kung ano ang nasa isip ko ngayon.

"Hindi mo ba nabasa yung iniwan nyang letter sa room nyo?" kumunot ang noo ko dahil dun.

"Okay, so hindi mo siguro nakita at hindi pa nababasa. Ibinilin din kasi nya samin yun kung sakali man na hindi mo nga makita. Nauna na kasi syang bumalik sa Manila, nagkaron daw ng emergency eh." Mahabang paliwanag ni Xyrene.

"Hindi man lang nya ako ginising para personal na magpaalam" inis kong sabi.

"Eh ang sarap daw kasi ng tulog mo kaya hindi ka na nya inistorbo. Bakit naman kasi tulog mantika ka."

"So kasalanan ko pa? Hmp!"

"Ang sungit naman. Tawagan na nga lang natin. Binilin din kasi nya na tawagan natin sya pag gising ka na."

Umirap lang ako pero itinuloy pa rin ni Xyrene ang pagtawag sa kanya. Ilang ring lang at sinagot na nya kaya niloudspeaker ni Xyrene para marinig naming lahat.

"Hello?" bungad nya.

"Gising na ang prinsesa mo Lisa!" natutuwang sabi ni Chelsea.

"Good morning, love. I'm sorry, kailangan ko na kasing magmadaling bumalik sa Manila. Bawi ako sayo promise. Happy Birthday!" kahit hindi ko nakikita alam kong nakangiti sya ngayon.

Naappreciate ko yung effort nya na magpapatawag pa paggising ko and naiintidihan ko rin naman na kailangan nya nang bumalik sa Manila pero syempre nalulungkot pa rin ako na wala sya ngayon dito.

"Thanks, love. Ingat ka ha. Text me pag nakarating ka na sa Manila." Malungkot kong sabi.

"Ano ba yan, love. Bakit parang sad ka? Bawal maging sad, okay? Birthday mo pa naman."

"Hindi naman sad eh"

"Oo kaya. Halata sa boses mo. Kantahan na lang kita."

Tumango lang ako as if naman na makikita nya. Pero siguro naramdaman nya ito kaya nagsimula na syang kumanta sa kabilang linya.

Two lost souls wandering through the night
In the dark but I still see you
From where I stand I hear your heart
Beating fast as we hold hands

You're all I want in this moment
You're all I have to see
You're all I need to find me
'Cause I look at you
I see the light come through
When I see you

For you I'd take it down
The walls I built to disappear
From I can no longer hide
'Cause you see me and I see you (A/N: Ayokong umepal guys pero naalala ko lang kasi yung ig post ni Jennie na halos ganto yung caption. Wala lang, natuwa lang ako hehe)

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon