Chapter 33

5.1K 64 4
                                    

JENNIE'S POV

Nag-aaya ang iba na pumunta dun sa may dagat kaso ang init-init pa. Dito sa kubo na muna kami nag stay tutal may karaoke naman. Kanina pa nga kumakanta 'tong mga kaibigan ko. Ang sakit na sa ulo ng mga boses nila. Hayst.

Tatayo na sana ako para maglakad-lakad na muna nang iabot nila ang mic kay Lisa kaya hindi ko na itinuloy.

Di ko napansin na lumalayo ka sa 'kin
Wala akong kamalay-malay
Bigla mong binaggit na kailangan mo munang umalis
Dahil gulong-gulo sa buhay

Bigla akong napapikit nang simulan nya na ang pagkanta. Namiss ko ang boses nya, namiss ko yung mga oras na kinakantahan nya ako. Napapasulyap ako sa gawi nya habang tinutuloy nya ang pagkanta.

At dahan-dahang nawalan ng kulay ang aking mundo
At kay bilis ng iyong paglisan
Ba't nagkaganito
San ba nagsimula ang gulo

Napayuko ako bigla dahil sa lyrics ng kanta.

Akala ko ay ikaw na ang binigay
Akala ko ikaw na
Akala ko ikaw na
Akala ko hindi na sasablay
Akala ko ikaw na
Akala ko ikaw na

Di ko napansin nawalan ka na ng gana sa 'tin
Ako ba ang naging problema
Ano bang nagawa,
Bakit ba nagbago ang pagtingin
Sana'y pinag-usapan muna
Di ba't nandito naman tayo para sa isa't-isa

Bawat salita na lumalabas sa bibig nya alam kong galing sa puso. Tahimik ang paligid, hindi kagaya kanina na naghihiyawan pa sila habang may kumakanta.

Ngayon ay dahan-dahang
Nawalan ng kulay ang ating mundo
At kay bilis naglaho ng mga pangakong nanggaling sayo
Na habang buhay ikaw lang at ako

Akala ko ikaw na ang binigay
Akala ko ikaw na
Akala ko ikaw na
Akala ko hindi na sasablay
Akala ko ikaw na
Akala ko ikaw na

Saktong susulyapan ko sya nang binaling din nya ang kanyang tingin sakin pero nag unahan kami sa pag-iwas.

Kung gustong umalis, walang magagawa
Huling hiling ko lang
Ay huwag akong kalilimutan
Kung gustong umalis walang magagawa

Hindi nakaligtas sakin yung luha na tumulo sa pisngi nya kahit na mabilis nya 'tong pinunasan.

"Stop nyo na guys. Baka kasi mag 100 na ang score ko, talo kayo." Sabi nya na may fake na tawa.

Biglang naging awkward ang atmosphere dahil nagpapakiramdaman pa ang isa't isa.

"Oh si Jennie naman guys!!! Maduga 'to eh. Di pa sya kumanta." Pagbasag ni Xyrene sa awkwardness dahilan para maghiyawan na ulit ang lahat.

"Jennie!! Jennie!!"
"Jennie!! Jennie!!" sabay-sabay pa sila sa pagcheer samantalng si Lisa, ayun tahimik lang.

"Ayoko nga. Bahala kayo dyan." Sabi ko na lang dahil wala ako sa mood para kumanta ngayon.

"KJ talaga kahit kailan." Rinig kong sabi ng isa sa kanila.

"Guys alam ko na! Truth or dare na muna tayo!" tuwang-tuwa na sabi ni Beatriz may kasama pang pagpalakpak kala mo naman ang ganda nung idea nya. Pffft.

Pero ayun, naghiyawan lang naman ang lahat kaya ibig sabihin nagustuhan nila yung idea ni Beatriz. Ako lang yata tsaka si Lisa ang hindi humiyaw.

"Bago tayo magstart, ano muna ang consequence pag hindi sinagot yung tanong or ginawa yung dare?" tanong ni Samantha.

Nag-iisip ang lahat habang ako walang pakialam. Ito kasi ang pinakaayaw kong laro. Ang dami nilang alam, 'kala mo naman. Hayst.

"Alam ko na! Manlilibre pagbalik natin sa Manila!" sabi ni Alexandra, girlfriend ni Chelsea.

"Oo sige! Good idea. For sure walang gustong manlibre kaya sasagutin lahat ng tanong at gagawin ang mga dare HAHAHA" alam na alam ko ang tawang 'to ni Xyrene. Sya kasi ang pinakamaloko pag ginagawa namin ang larong 'to. Kung ano ano ang tinatanong at pinapagawa nya.

"Game na guys! Start na!"

Pinaikot na ni Beatriz ang bottle at kay Xyrene unang tumapat. Great! Ayan buti nga sa kanya.

"Truth or dare!?" sabay sabay na tanong ng lahat.

"Truth!" Wow, brave! Kaya sabi ko ako na ang magtatanong sa kanya.

"Nag cheat ka na ba kay Samantha? Answerable by yes or no." napa 'woah' ang lahat dahil sa tanong ko.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon