Chapter 26

4.7K 53 4
                                    

JENNIE'S POV

"What's with that sad face, anak? Paskong pasko nakabusangot ka." Di ko napansin na nilapitan na pala ako ni Papa. These past few days di ko maikakaila na I'm always zoning out.

"I'm just guessing if what's going on, okay? But look, minsan yung akala nating tama, mali pala. At yung inaakala nating mali, yun ang tama. Pero alam mo ba kung ano ang pinakatamang gawin? Yun ay ang pag consider sa happiness mo. Because considering your happiness would never be wrong." inakbayan nya ako at binigyan ng halik sa noo. Magsimula nang magkalamat ang father-daughter relationship namin dahil nalaman nyang may relasyon kami ni Jisoo noon never na syang naging sweet and sincere nang ganito, ngayon na lang talaga ulit.

"Pa, even if I'll consider my own happiness. Even if I'll choose that person na alam kong magpapasaya sakin, I don't think that I'll truly be happy knowing na may masasaktan lang ulit akong iba."

Tumingin sa akin si Papa na may halong awa. "I'm sorry. Kasalanan ko kung bakit naging komplikado lahat. Pero ngayon, ayoko nang ipagkait sayo ang happiness mo. Kaya gusto ko na ikaw rin sana wag mong ipagkait yun sa sarili mo."

"Hindi ko alam kung tama pa ba na sarili ko ang isipin ko ngayon, Pa. Tsaka masyado nang komplikado ang lahat."

"Tama, komplikado na ang lahat. Kaya nga kailangan mo nang ayusin. At hindi maaayos yun kung ang ginagawa mo ay ang mga bagay lang na pinagpipilitan mong tama."

Yumuko ako para di makita ni papa na malapit na akong umiyak. Gulong-gulo na kasi ako sa kung ano ba talaga ang dapat gawin. Ang sakit sa ulo.

"Anak. Sa ayaw at sa gusto mo, may isang masasaktan. Alam kong ayaw mong mangyari yun pero ang tanging magagawa mo na lang ngayon ay ang piliin kung sino ba ang dapat at tama. Mahal ka nila pareho. Pero hindi ka nila parehong mapapasaya kahit mahal ka nila. Alam mo ba kung bakit?" tumingin na ako sa kanya dahilan para makita nya ang mukha kong basa na dahil sa luha. Pinunasan muna nya ang pisngi ko bago magsalita ulit.

"Anak, hindi ka nila parehong mapapasaya. Dahil kahit pareho ka nilang mahal at pareho nilang gawin ang lahat. Isa sa kanila lang talaga ang makakapagpasaya sayo at yun yung mahal mo rin."

Niyakap ko sya para isiksik ang aking sarili sa kanya. "Pa, di bale na kung di ko mahal basta alam kong yun ang tama at dapat na gawin. Si Jisoo lang ang dapat kong piliin dahil yun ang tama."

Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at umiling-iling. "Magkaiba ang tama sa pinagpipilitan lang na tama, anak. Niloloko mo lang ang sarili mo at higit sa lahat niloloko mo sya. Ang alam nya mahal mo pa rin sya at masaya ka talaga sa kanya. Si Lisa na, tama ba ako?" malungkot lang akong tumingin sa kanya dahil sa tanong nya.

"Wag mo nang ipagkait sa sarili mo ang kasiyahan mo ha. Alam kong si Lisa ang magkakapagbigay sayo nun. Wag mo nang gayahin yung pagkakamali ko dati na ipagkait sayo yun."

"Pero paano si Jisoo, Pa?"

"I really feel sorry for her. Na kailangan nyang masaktan ulit ngayon. Pero alam kong maiintindihan nya at hahayaan ka nya kung saan ka talaga magiging masaya."

---------------

FLASHBACK

I really do appreciate Lisa and her ways of making me happy. She never fails to make me feel loved, cared and appreciated.

Sobrang saya nung naging trip namin sa Baguio. Sobrang napasaya nya ako kaya gusto kong bumawi sa kanya kahit sa maliliit na bagay lang.

Bibilhan ko sya ngayon ng strawberry smoothie sa Owl Café. Sigurado ako sobrang matutuwa yon. Ayoko naman kasi na sya na lang lagi ang nagpapasaya sakin. Gusto ko ako naman.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon