Chapter 15

5.3K 78 8
                                    

LISA'S POV

Things went well between us after nung misunderstanding namin. Friday na naman ngayon, I'm planning to take Jennie in a date. Nacheck na yung movie date from her checklist hehe. Ngayon naman I want to take her in a late night drive kind of date, sana pumayag sya. Yung iba kasi nyang ideal dates medyo malabong gawin ngayon, since I need to plan them well.

"Nini" sabi ko sa kanya while poking her waist. Nandito kami ngayon sa school cafeteria and having our lunch.

"Yes, Lili?" huminto muna sya sa pagkain at humarap sakin.

"Hayst. Messy eater." halatang menudo ang ulam dahil meron pang sarsa sa gilid ng labi nya HAHAHA. Kaya naman kumuha ako ng tissue at pinunasan ito.

"Heh. I'm not a messy eater." and just like what she's always doing. Parang bata na naman na nakapout.

"Okay. Whatever you say. Love pa rin naman kita." nanggigigil talaga ako sa cuteness nya kaya tinusok-tusok ko ang kanyang labi na nakapout.

"Hey! Stop it!" at parang lalo pang humaba ang nguso nya HAHAHAHA kaya tinusok-tusok ko ulit gamit ang hintuturo ko.

"Ouuuchh!!!" shit ang sakit. Napangiwi na lang ako sa sakit. Kagatin ba naman nya ang daliri ko.

"I hate you!" sabi ko sa kanya na nakakunot ang noo at nakapout na rin ngayon.

"Sus. Sabi mo kanina love mo ako." sabi nya na hindi naniniwala sa sinabi kong hate ko sya.

"Oo na. Love naman talaga kita eh. Kiss mo ako!" nakasimangot pa rin ako dahil masakit talaga yung ginawa nya.

"Akin na nga yan" hinawakan nya ang kamay ko at hinipan ang daliri ko.

"Ihhh. Kiss mo!" Parang bata kong sabi.

"Ikaw kasi eh. Ang kulit kulit mo. Ayan tuloy. Sorryyyy." nawala naman bigla yung sakit nang mafeel ko ang labi nya sa daliri ko.

"Okay na. Pero di pa rin tayo bati." umiwas ako ng tingin sa kanya para alam nyang medyo inis ako at hindi ko talaga sya bati.

"Ihhh. Sorry na nga kasi." dinadaan na naman neto sa cuteness nya para bati ko na sya. Hay naku

"Kiss muna!" humarap na ako sa kanya tsaka umaktong ready na ako na ikiss nya.

Ang sweet talaga nya. Naramdaman ko na lang ang kamay nya sa mukha ko imbes na ang labi nya sa labi ko.

"Magtigil ka dyan" sabi nya tsaka nya na tinuloy ang kanyang pagkain.

I'm always soft pagdating sa kanya. Maiinis nang saglit tapos mawawala rin agad. Hayst. Love ko na sya nang sobra.

"Uhm. Love." tawag ko sa kanya.

"Huh? Love?" nagtatakang tanong nya.

"Love. Tawag ko sayo hehe. Ayaw mo ba? Eh love kasi kita ih." sweet kong sabi at hinahug hug pa sya.

"Okay, then. Love na rin tawag ko sayo." she sweetly said then pinched my cheeks. Feel ko pulang pula na cheeks ko ngayon. Dahil sa pagpinch nya at dahil na rin sa kilig ko dahil sa sinabi nya.

"Hmmm? So love mo na rin ako? Kasi love tawag mo sakin?" kinikilig kong tanong sa kanya.

"Secret. Bleh." HAHAHAHA ang cutie. Kahit hindi nya sinagot, enough na sakin yung may hint nang may pag-asa ako sa kanya.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon