Chapter 1

15.8K 144 3
                                    

(I'll put random pics of Jenlisa every chapter tho hindi related yung pic sa content ng chapter hehe)

LISA'S POV

Naglalakad na ako ngayon sa loob ng school papunta sa building namin. I'm a 3rd year comm arts student. Yun ang kinuha kong course since mahilig ako sa photography and I'm also into performing. Weeks palang simula nung nag start ang academic year. I'm 18 years old btw.

I'm now heading to our building pero parang umiiyak yung babae sa gilid ng corridor na dinadaanan ko ngayon.

"Eyyy miss. You okay?" I said as I approached her.

Mabilis naman nyang pinunasan ang pisngi nya na basa na ng luha at tumingin sakin. "I'm good" at pilit na nagpakita ng ngiti. Umupo naman ako sa tabi nya.

"Whatever that is, magiging okay din yan. But for now just let yourself feel what you are feeling. If you're sad, then be it. If you want to cry, then let it out. Don't force yourself to be fine if you're not really fine. Embrace what you really feel and don't fool yourself because that is what you need to be healed, eventually things will get fine." Sabi ko sa kanya while tapping her back lightly.

Tinignan ko naman ang mukha nya at parang naging maaliwalas naman nang tignan kumpara kanina. Di ko maiwasang titigan ang mukha nya. She looks like an angel sent from above. Mapungay na mata, perfect na ilong, pisngi na gugustuhin mong pisilin at mga labi na kahit di lagyan ng kung ano ay mapupula.

"Baka matunaw naman ako nyan" pagkasabi nya ay parang nagising ako bigla sa pagddaydream.

Kumamot na lang ako sa ulo dahil sa pagkapahiya. "Uhm ah ano hehe. Ako nga pala si Lisa. Lalisa Manoban. Comm Arts student." at inilahad sa harap nya ang aking kamay para makipag shake hands.

"Jennie. Jennie Kim. HRM student." inabot naman nya ang kamay ko para makipagkamay and from that moment alam kong may something. Parang may boltahe kasing dumaloy sa buong katawan ko. Parang may mga paru-parong nagkakagulo sa tyan ko. Nagpakawala pa ang kanyang mga labi ng matamis na ngiti.

And right there and then alam kong biglang nawasak yung pader na matagal ko nang tinatayo sa puso ko. Yung pader na tinayo ko dahil wala na akong gustong papasukin dito sa puso ko pagkatapos akong sinaktan nung babaeng minahal ko nang sobra.

Everything around us went blurry. Hindi lang pala sa movie nangyayari ang ganto, sa totoong buhay din. Parang huminto ang mundo at sya lang ang nakikita ko. Bigla naman nyang binitawan ang pagkakahawak nya sa kamay ko that made the surrounding normal again.

"Uhm m-mauna na ako hehe b-baka ma-late p-pa ako sa c-class ko" mautal utal ko pang sabi.

At nagmamadali nang umalis pero hinawakan nya braso ko at sinabing "Thank you, Lisa. Gumaan na pakiramdam ko kahit papano. Kita tayo mamayang lunch time sa cafeteria. Libre ko para pambawi."

"Wala yun. Sige sure. See you later." nag smile ako sa kanya at nagmadali na akong pumunta sa first class ko. Buti naman at hindi pa ako late sakto lang ang pagdating ko.

Nag discuss lang yung professor, wala namang bago. Pero habang nagkklase ay lumilipad ang isip ko. Hindi pa rin nawawala sa isip ko si Jennie. Nasa utak ko pa rin yung maganda nyang mukha, parang nakaregister na iyon dito kaya hindi mawala wala.

But more than her beautiful face, ang iniisip ko pa ngayon ay yung kung ano ang dahilan nang pag-iyak nya. I hope maging okay na sya. And there's something in me that pushes me to help her whatever that is. Something in me wants to help her get through it. Make her happy. Take that sadness away. That pain in her eyes na nakita ko kanina habang tinititigan ang mga ito.

'I'll make you happy, Jennie. If you will just let me. Pls, let me.' Sabi ko sa utak ko na kunwari ay kinakausap ko siya ngayon.

Mabilis namang natapos ang klase at mga kasunod pa.

Lunch time na. Magkikita nga pala kami ni Jennie sa cafeteria.

"Bes di ako makakasabay sayo ngayon for lunch. May kikitain kasi ako." Sabi ko sa bestfriend ko na si Cindy.

"Wow, nagdadalaga na yata ulit ang bestfriend ko" sabi naman nya sabay tawa.

"Gaga ka talaga. Tsaka ko na lang ikwento sayo." tsaka na ako umalis at pumuntang cafeteria.

Matagal na kaming magkaibigan ni Cindy. She's not just my friend nor bestfriend. More of a sister. She accepts me for who and what I am. Nag stay sya sa tabi ko nung nag out na ako. Sya yung kaisa-isang tao na andyan para sakin when no one could. Lalo na at wala ang mga magulang ko sa tabi ko. I'm studying here in Manila at sila naman ay nasa Pampanga. Andun kasi ang mga negosyo nila kaya hindi sila pwedeng sumunod sakin dito. Nag-iisa lang nila akong anak kaya nung una ayaw nilang pumayag na dito ako sa Manila mag-aaral. Sa isang apartment lang ako nakatira ngayon malapit sa school. Alam at tanggap din ng mga magulang ko ang sexuality ko.

Pagdating ko sa cafeteria inikot ikot ko ang paningin ko at nakita ko syang nakaupo sa may bandang gilid.

"Eyyy, kanina ka pa dyan?" Sabi ko pagkalapit ko sa kanya.

"Hindi naman. Halos kararating ko lang din. Order na tayo?" tapos ay tumayo na rin sya at iniwan na muna namin mga gamit namin dun para di makuha ang pwesto namin.

Nakapila na kami. Nasa unahan ko sya at nakatalikod sakin. I keep on poking her waist that makes her tickle hahahaha.

"Watch me whip. Watch me nae nae" kanta ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko at hindi humihinto sa kakatawa. Ang cute kasi nya parang uod.

"Hey. Stop" sabi nya habang tumatawa rin dahil sobrang nakikiliti na. Pero di ko pa rin tinitigilan kaya kinuha nya ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit but poor her may isa pa akong kamay at kiniliti sya ulit. Kaso nakuha nya ulit at kinagat ang daliri ko.

"Ouch" sabi ko sabay pout pero tumawa lang sya.

"One point for me" sabi naman nya at lalo pang lumakas ang tawa.

Inirapan ko lang sya at di pa rin kumikibo. Malakas kasi akong mang-asar pero pag ako na ang inasar sobrang pikon. Napansin nya ang hindi ko pagkibo kaya nawala na yung smile sa mukha nya at napalitan ng pag pout. Ang unfair lang kasi mas cute yung pag pout nya.

"Eyyy. I'm sorry." Sabi nya at nag puppy eyes pa ang babaeng to kala mo naman makukuha nya ako sa pag ganyan nya. Kung yun ang iniisip nya aba pwes oo... ang cute eh :(

"Heh. No. Ang sakit kaya bahala ka dyan." inirapan ko lang ulit.

"Ih. Lisa naman eh. Sorry na kasi. Malapit na tayo sa pila oh. Tayo na oorder. Ano ba ang gusto mo?" tapos nag pout ulit.

"Kiss muna" i said using my sweetest voice and formed a cute smile. Kaso nakatanggap lang ako ng palo sa braso. Tumawa naman ako at nagsalita ulit "Syempre joke lang. Ikaw na bahalang mag order, kahit ano na lang"

Bumalik na kami sa pwesto namin after makaorder. Kwentuhan at biruan lang habang kumakain. Lumabas na rin kaagad pagkatapos namin.

"Hatid na kita sa class mo" I insisted then grabbed her books at ako na ang nagdala.

Bitbit ko sa right hand ko yung books nya at nasa left side ko naman sya kaya yung left hand ko nakaakbay sa kanya.

Kanina habang nagkkwentuhan kami sa cafeteria kahit na tumatawa sya ramdam ko pa rin yung sadness that is radiating from her kaya I want to comfort her with simple gestures.

"Thank you. I hope to see and be with you again tomorrow." Sabi ko pagkarating namin sa harap ng room nila at iniabot na ang books nya.

"No. Thank you, Lisa. I should be the one thanking you. Yep, see you tomorrow." Sagot naman nya sakin at nagpakawala ng matamis na ngiti.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon