Chapter 7

5K 77 11
                                    

LISA'S POV

Nandito na kami sa arcade at bumili na ng tokens.

"Gusto ko nun!" Hila sakin ni Jennie habang nakapout at tinuro yung stuffed toys. "Kuha mo ako" dugtong pa nya na nakapout pa rin.

"Big princess ka na eh" sabi ko sa kanya at nag kamot ng ulo. Pero ang totoo, malas lang kasi talaga ako sa ganyan. Never pa akong nakakuha ni isang stuffed toy. Ang duga naman kasi ng mga machine na yan. Makukuha mo na nga malalaglag pa.

"Kahit na. E princess mo pa rin naman, kaya dapat kuha mo ako. Pleeease?" Okay, pano ko matatanggihan ang ganto kacute?

"Kiss muna?" Seryoso kong sabi pero natatawa ako sa utak ko kasi alam kong di naman nya gagawin at maaasar lang to HAHAHAHA

"Heh!" Nakapout nya ulit na sabi at hinampas pa ako sa braso.

"Ouch" nagkunwari naman akong nasaktan HAHAHAHAHA

Nakapout pa rin sya at magkasalubong ang kilay then she caressed my arm. "Sorry na. Ikaw kasi eh."

Ginulo ko naman ng bahagya ang buhok nya at hinalikan sa noo "Biro lang naman eh. Gonna get that stuffed toy you want, my big princess. Alin ba dun ang gusto mo?"

Tapos may bulilit naman na hinihila-hila ang laylayan ng damit ko sabay sabing "Gusto ko rin! Gusto ko rin!! Ate Lisa, can you also get one for me. Please?"

Nalintikan na. Sabing di nga ako marunong eh. Nadagdagan pa kailangan kong kunin. Pwede bang bili na lang ako? Hayst.

"Alam ko na!" Sabi ko sa dalawa. "Bilhan ko na lang kayo sa blue magic. Mas maganda yung mga nandun. Mas malaki pa."

"Ayaw!"
"Ayaw!!"
Sabay nilang sabi. Yung totoo? Parang laging may sabayang pagbigkas sa dalawang to HAHAHAHA

"Sinabi mo na kanina na kukuhanan mo ako" masungit na sabi ng big princess ko.

"Mas cute mga yan, Ate Lisa!" Masungit na sabi rin ng little princess ko.

"Okay, chill." At umaktong parang nag i-stretching. "Humanda yang mga stuffed toy na yan. Kukuhanan ko mga prinsesa ko."

"Yeeeey!!! Go Ate Lisa" pag cheer sakin ng little princess ko.

"How about my big princess? Hindi ba ako pag ccheer? Kahit isang kiss lang oh." Nakapout kong sabi.

"Kiss your face! Heh!" nagsusungit na naman.

"Yes, my big princess. Kiss my face." Pasweet kong sabi na may pag wiggle pa ng kilay HAHAHAHAHA ayan tuloy nakatanggap ako ng hampas sa braso.

"Ang tagal naman Ate Lisa eh." Iritang sabi ni Jasmin sakin. Halatang halata na magpakapatid ang dalawang to. Napaka sungit.

"Heto na little princess. Wait ka lang dyan. Pakikitaan kita ng skills ko dito." Proud na proud ko pang sabi.

Naghulog na ako ng token.
First try. Toinks! Laglag.
"Wait. Syempre try pa lang yan hehehe" sabi ko na may pagkamot pa sa ulo.

Second try. Toinks 👎
Third try. Toinks 👎
Fourth try. Toinks 👎
Fifth try. Toinks 👎

"Ano ba yan. Di ka naman marunong ih." Nakapout na sabi sakin ni Jennie.

"Ha? Anong di marunong? Naaawa lang ako sa machine kaya kailangan munang pagbigyan ng konti. Ano ka ba? Manoban yata to. Nood ka lang dyan." Putek naloko na. Pano ba kasi makakuha dito?

"Uhm. Ayaw nyo ba talagang bilhan ko na lang kayo? Hehehe" tanong ko na may pagkamot ulit sa ulo. Nakita ko naman ang mga masungit nilang mukha kaya kaagad kong binawi. "Joke lang. Syempre kukuhanan ko kayo. Magaling ako dito."

Round 2 *ting ting ting*
1st try. 'focus focus focus Manoban' sabi ko sa sarili ko. Okay, ayan na malapit na..... toinks! Putek na yan laglag na naman. Sinipa ko ng mahina yung machine inis na ako eh.
Okay. 2nd try. This time, I'm gonna get this one. Ayan na, ayan na malapit na makukuha ko na 'toooo in 3, 2, 1. Ayon!!

"WOAH! WOAH!! WOAH!!! Masaya kong sigaw na may pagtalon pa dahil first time to HAHAHAHAHA

Kinuha ko na yun at binigay sa little princess ko. Tuwang tuwa sya samantalang yung big princess naka pout at nakasimangot.

"Ako unang nagpakuha eh. Dapat sakin mo binigay." Nakapout pa rin nyang sabi.

"Wag na magtampo big princess ko. Syempre kay little princess muna. Kuhanan naman kita eh." Paglalambing ko.

So nag try ulit ako. Pero shemay pang ilang try ko na ulit to at wala pa rin. Pinagpapawisan na rin ako. Nakakainis. And then,

boom!!!

Hinug ko nang paside si Jennie, nakahug rin sya sa bewang ko at tsaka ko sya hinalikan sa noo. "Sabi ko naman sayo kukuhanan kita" tapos ay kinuha ko na at binigay sa kanya.

"Thank youuu! Ang cute. Lini ibibigay kong name sa kanya." Tuwang tuwa na sabi nya.

"Bakit naman Lini?" Takang tanong ko.

"Lisa and Jennie hehe" sagot nya sakin. Kinilig naman ako. Feeling ko namumula na naman ako kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya.

Hindi pa man ako nakakaget over sa kilig, humirit na naman sya."Tapos I'm your big princess Nini and you're my Lili." After saying those words, she showed me her gummy smile. Fuck. Right there and then, bumilis ang tibok ng puso ko. Grabe Jennie, panagutan mo tong nararamdaman ko para sayo. Charot.

"Let's play basketball, Ate Lisa." pangungulit ni Jasmin kaya naputol tuloy harutan namin.

Naglaro lang kami ng basketball, barilan, car racing, at kung ano ano pa. Tapos ay pinapalit namin ng maraming candies yung tickets na naipon namin.

Napagod ako dun ah. Pero super nag enjoy lalo na't nakikita kong nag eenjoy ang dalawang princess ko.

"Can you carry me, Ate Lisa? I'm tired." sabi ng little princess ko.

Palabas na kami ng arcade habang buhat buhat ko si Jasmin at nakaakbay kay Jennie.

Paikot ikot lang kami sa loob ng mall. Kain nang kain tong batang karga ko. Kinakain yung candies na nakuha namin kanina sa arcade.

"Ate Jennie, I'm thirsty. Can you buy me lemon juice? I want lemon juuiiiice." Paglalambing nya sa Ate Jennie nya.

"Okay, baby. Wait up. I'll buy you one." Ang cutie. Sweet naman pala syang ate. Tinotopak lang talaga minsan kaya nasusungitan nya kapatid nya. Pero hihi, kinikilig ako sa thought na parang happy family kami ngayon.

"Lili, hintayin nyo na lang ako dito ha? Para di ka na mapagod. Ang bigat bigat pa naman nyang karga mo hahahaha" sabi nya. Tumango naman ako. Kinilig din ako sa pagtawag nya sakin ng Lili. Ang cute. Kinuha ko na lang din muna yung dala nyang stuffed toy tapos ay umalis na sya para bumili ng lemon juice.

"Little princess, sweet ba si Ate Jennie mo sayo?" Tanong ko sa kanya habang buhat buhat pa rin sya.

"Yes, super! Super sweet and caring. She's like a mom to me. Just like you, Ate Lisa." Tapos ay kinurot pa ang pisngi ko. Pinanggigilan nya ako.

"Para kang si Ate Jennie and si Mom. Sweet sakin and caring. Can I call you Ate Mommy? Hehe" pagpapacute nya sakin.

"Sure, my little princess. Basta tandaan mo, I'll always take care of you and my big princess Nini." Sincere kong sabi sakanya at hinalikan sya sa noo.

Niyakap naman nya ako at isiniksik ang ulo nya sa may balikat ko "Thank you, Ate Mommy."

Dumating naman na si Nini while sipping her lemon juice at may isa pang hawak. Naramdaman naman na yata ni Jasmin ang presensya ni Jennie kaya tinignan nya ito at kinuha ang inabot na lemon juice ng kanyang Ate. "Thank you, Ate!"

Itinapat naman ng Nini ko ang lemon juice nya sa bibig ko. "Inom ka muna, Lili." uminom naman ako then i just realized, indirect kiss mamser. Yieeeh, mga galawan din ng Nini ko eh. Charot.

Lumabas na kami sa mall para pumunta sa parking area at hinatid ko na sila pauwi. Nagpalitan lang kami ng thank you at mga ngiti pagkatapos ay nagpaalam na ako para umuwi. Hindi na ako pumasok sa loob ng bahay nila at dumiretso na sa apartment ko.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon