Chapter 8

5.4K 82 4
                                    

LISA'S POV

Ilang weeks na rin magsimula nung magkakilala kami ni Jennie. Every morning, hinihintay ko sya sa may gate para maihatid sya sa room nila. Lagi rin kaming sabay mag lunch and I always ride her home as well.

Nandito ako ngayon sa last class namin before lunch time.

"Bes, sure ka na ba talaga dyan?" mahinang tanong sakin ni Cindy sakto lang para marinig ko dahil kasalukuyan pang nagdidiscuss ang professor namin.

"You mean?" tanong ko sa kanya dahil di ko alam kung ano ang tinutukoy nya.

"About Jennie" at napatingin naman ako sakanya with a bitter smile tsaka itinaas mga balikat para sabihin nonverbally na 'ewan, di ko alam. bahala na'.

Sa ngayon kasi masasabi kong mas lumalalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong may posibilidad na masasaktan lang ako bandang huli but I know for sure that Jennie is worthy. Pain and heartache will all be worth it. Those pain and heartache that are waiting for me are just nothing if I will compare them to the happiness that I am feeling right now because of Jennie.

"Basta I'll give it a try. I'll take a chance on her. Bahala na." mahinang sabi ko sa bestfriend ko. Ngayon pa ba ako uurong kung kelan alam kong kahit papano napapasaya ko sya. Na unti unti nang nawawala yung lungkot na nararamdaman nya dahil sa gaga nyang ex.

"Okay. Andito lang naman ako lagi to support you. Ang akin lang naman kasi, ayaw ko nang masaktan ka ulit." And I can sense na may konting awa ang pagkakasabi nya.

"Okay class, let's call it a day." Rinig kong sabi ng professor namin sign na dismissal na. Nagsisilabasan na ang mga kaklase namin samantalang kami ni Cindy ay nag aayos pa ng gamit.

"Thank you bes ha?" I said sincerely. "Alam mo kung pwede lang iconvert romantically ang pagmamahal ko sayo ikaw na lang ang jojowain ko hahahaha" dugtong ko pa na natatawa dahil sa sinabi ko.

"Gago ka talaga. Sige na! Alis na!" natatawa rin nyang sabi sakin na may pagtulak. "Humarot ka na. Siguradong hinihintay ka na nun."

Nagtext kasi si Jennie sakin kanina, nagtatanong if okay lang ba na sa labas kami kumain ngayon, sabay daw kami sa friends nya para maipakilala nya na rin ako sa kanila. Netong mga nakaraang linggo kasi sabay kami laging mag lunch with Cindy. So basically, di kami makakasabay sa kanya ngayon. Nasabi ko na sa kanya and okay lang daw.

"Una na ako bes ha. Ba-bye." Paalam ko sa kanya pagkatapos ay bumeso na.

Hi, my big princess nini. Papunta na ako sa room nyo hehe hintay mo na lang ako. See you!
sent 11:36am

Okay po. Bilisan mo, gutom na nini mo :(
received 11:37am

Aww. Napangiti naman ako sa reply nya. Kahit kelan talaga ang effortless ng pagkacute nya.

Lakad takbo naman ang ginawa ko para makarating kaagad sa building nila.

Tanaw ko na ang prinsesa ko. Kita kahit sa malayo ang pagkabusangot nya. Siguro ay gutom na talaga. Kawawa naman hahahaha

Di nya napansin na nakalapit na ako sa kanya kaya naman ay inakbayan ko kaagad at binigyan ng halik sa noo "I miss you"

And I feel like there are butterflies raging inside my stomach nang bigla nya akong yakapin at isiniksik ang kanyang ulo sa akin. Hindi ako kaagad nakaresponde but I gather myself and hug her back.

Binawi naman nya ang kanyang ulo at tumingala sa akin dahil mas matangkad ako sa kanya. "Gutom na ako" sabi nya na nangungusap ang mga mata at nakapout pa.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon