Chapter 6

5.6K 94 10
                                    

LISA'S POV

Lumabas na ako sa kwarto ni Jennie. Sa may sala ko na lang sila hihintayin. Nagpeprepare na kasi sila sa pag alis namin.

Papunta na ako sa may sala nang may tumawag sakin mula sa kusina. Yung kasambahay siguro nila na si Ate Judith. Nabanggit na rin sya sakin ni Jennie kanina. Di lang namin nakita kasi naglalaba sa may labas.

Naglakad naman ako papunta sa kusina para puntahan sya. Sa itsura ni Ate Judith mahahalata mong bata palang sya, nasa mga 37 ganon.

"Hi po" bati ko naman sa kanya.

"Ate na lang wag nang mag po hehe. Bagong kaibigan ka siguro ni Jennie. Ngayon palang kasi kita nakita." Sabi nya nang tumingin sakin dahil tapos na yata sya sa ginagawa nya.

"Uhm, oo ate. Kelan lang kami nagkakilala. Schoolmates po kami." Sabi ko naman at umupo rin dahil nakaupo na ngayon si Ate Judith, mukhang gusto nyang makipagkwentuhan at gusto ko rin naman habang hinihintay pa yung dalawa.

"Mabuti naman at nakilala ka nya. Kahit papano ngumingiti na sya. Kita ko kanina kung pano unti-unting bumabalik ang pag ngiti nya. Alam mo naman na siguro kung ano ang nangyari sa kanya." Tuloy tuloy na sabi nya.

"Alam mo ba, laging nagkkwento yan sakin dati. Close kasi kami. Pero dahil dun sa nangyari medyo malimit na lang kaming makapag-usap. Maging mga kaibigan nya ganun ang sinasabi. Lagi na lang kasi malungkot at gustong mapag-isa." Dugtong pa nya.

"Nabanggit nga rin ni Jasmin, Ate. Lagi nga raw pong malungkot at kung minsan nagsusungit. Di rin naman kasi natin masisisi dahil sa nangyari sa kanya." sabi ko naman.

"Pero sa nakikita ko, komportable sya sayo. Sana matulungan mo sya para maging masaya ulit. Namimiss ko na yung masiglang Jennie." Tinugunan ko naman ng ngiti dahil gusto ko rin talaga na mapasaya sya.

"I promise to be by her side, Ate. Hanggang sa maging masaya na sya ulit. I'll not leave her. I'll be here for her, sa weakest point man nya o happy days. Tho sa ngayon di ko alam kung ano mga pwedeng gawin para mapasaya sya." Tuloy tuloy na sabi ko at kaunting nalungkot dahil dun sa huling sinabi ko. Di ko kasi talaga alam kung ano mga pwedeng gawin para mapasaya na sya nang tuluyan. Kasi oo napapangiti ko na sya minsan pero hindi enough dahil kita pa rin sa mga mata nya ang lungkot.

"Alam ko na!" Sabi naman ni ate na parang may bombilya pang umilaw sa ulo nya hahahahaha

"Ano yun, Ate?" Tanong ko at umaliwalas ang mukha dahil alam kong may magandang idea si Ate Judith.

"Nung isang araw kasi na naglilinis ako sa kwarto nya di ko sadyang natabig ang notebook nya at nalaglag. Nakabuklat kasi nung pulutin ko kaya nakita ko yung nakasulat na checklist kaya binasa na rin." Nakikinig lang ako at patango tango para ipagpatuloy lang ni Ate Judith ang sinasabi nya.

"Baka lang kasi magka idea ka. Mga natatandaan kong nakasulat dun movie date, museum date, amusement park date, beach date, late night drive/deep talk under the night sky date. Sa tingin ko magiging masaya sya pag ginawa nyo mga yun." Dugtong na sabi ni Ate Judith at nakangiti naman ako nang malapad.

"Salamat, Ate. Sige sasamahan ko sya para gawin lahat ng mga yan. Ako na bahala sa alaga nyo. I'll make her happy." Sabi ko sabay wiggle ng mga kilay ko.

"Ate Lisaaaa!" Excited na sabi ni Jasmin habang tumatakbo papunta kung asan kami ni Ate Judith. "Where is Ate Jennie? Di pa ba tayo aalis?" Tuloy na sabi pa ni Jasmin kaya naputol na ang pag-uusap namin ni Ate Judith.

Kind of Love that Stays | JENLISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon